<George>
Palaisipan sakin kung paano nakatakas ang babaeng ito sa kamay ng isang tao walang nararamdaman na awa.
Di ko masyado alam ang personalidad ni Master Sean kung talagang pumapatay ito ng Tao. Ngunit sa ugali niyang ipinapakita parang nahihimbing na nakatulog ang isang Anghel sa kanyang pagkatao. Di ko rin gaano kaalam kung ano ba ang umiiral sa kanya… napakatahimik at masyadong magaling magparamdam ng takot matanda man o bata sa kanya.
Kaharap ko ang isang babae na halos di ko alam ang nangyari dahil halos kalabog sa labas ang naririnig namin… at nang margining ko nga ang pangalan ko… pagpasok ko napakagulo ng boung silid… nagkalat ang mga dugo dahil sa kaninang pag-aaliposta ng mga tauhan niya.
Duguan ang mga labi ng babae… Oo, kahit babae hindi sinasanto ni Master Sean.
Sa pagkaalam ko dapat patay na ang babaeng to, Bakit ngayon humihinga pa ang isang to?
"Ano ba tinititig titig mo!." Sabay irap niya sa akin. Sa pagkatao ng babaeng to, napahanga niya ako na hinamon niya si Master Sean… At sa unang pagkakataon, hindi siya kaagad hinatulan ng kamatayan. Walang takot na bumakas sa mukha niya… at sa mga salita niya… wala ba siyang alam tungkol sa kaaway niya kanina?
Di ba niya alam na kahit anong oras, maari siyang maglaho sa mundong ito?
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko na hangang ngayon di parin ako makapaniwala na hinamon nga niya si Master Sean.
Huminga lang ito ng malalim ...
"Asaan ang Kuya ko?"
Ngunit sinagot ko siya ng tanong din.
"Natalo mo ba si Master Sean."
Natahimik ito bigla.
At napailing. Saka napatitig sakin na umiiyak na.
"Ang Kuya ko, baka patayin ng demonyong yun."
Kumpirmado na pinakitaan ni Master Sean ang babaeng to ng pagkatao niya. Inayos ko ang twalyang nakasupot sa kanya… Bago ata matuluyan ito ni Master Sean, nakaramdam na ito ng awa na ikinabuntong hininga ko. Sana ganun na lang lagi ang maramdaman niya. Parang binubuhos lang kasi niya ang Frustration sa mga taong wala namang kinalaman kung bakit ganito siya.
"Ako pala si George Ronquillo, Personal Secretary ni Master Sean dito sa Pilipinas. Nakita mo yung mga nangyari kanina sa mga bodyguards, parusa yun na di masyado nagawa nila ang responsibilidad na ayusin ang pagdating niya dito. At ikaw ang may kagagawan noon sa kanila." Pagpapahayag ko na ikinatigil niya sa pag-iyak.
"Ay teka. Kayo yung mga nambugbog, di ko kayang bugbugin ang mga yun. Magrereklamo talaga ako paglabas na paglabas ko dito! Heto, oh, sapat ng ebidensya." Sabay pakita sa akin ng mga braso niya na kahit anong oras mamaga na.
Ngumiti lang ako.
"Narinig mo naman ata ang sinabi ni Master Sean. Sa ngayon di namin alam kung papayagan ka na makaalis dito sa Resident. Wala ka bang alam tungkol sa kanya?"
"May alam ako… Demonyo siya, Sadista… may tama ata ang ulo nun… O sadyang pinaglihi sa mga Karahasan.!"
"Sa lagay mong yan, Demonyo pa ang paningin mo sa kanya? Buti nga buhay ka pa Miss. Ang tinatawag mong Demonyo ngayon ay kaya ngang gawing impyerno ang buhay mo. Siya ang kilalang Bachelor na Multi-Billionaire, ang namamay-ari ng Herald Monopolies of Businesses… HMB… Kagaya na lang ng Elite Residential HMB, Asian International Airlines HMB… at madami pang iba… "
"Oo na… siya na itong mapera. Ngunit wala siyang karapatan na bumawi ng may buhay. Bakit hindi na lang niya itulong sa mahihirap yang kayamanan niya. Nakakainis lang kasi, wala na ba siyang magawa sa buhay niya? Magpakabait siya. Madaming mababait ang kailangan ng mundong to! Kung ganyan siya kayaman, siguro kung magpakabait siya, sapat na ata ang katulad niya."
Parang di niya pinapasok sa kukuti ang mga sinasabi ko. Palaban nga ang babeng to. Sabagay may punto siya. Wala ngang magawa si Master Sean kundi makipaglaro sa mga taong alam niya na di naman uubra ang katapangan nila sa kanya.
Biglang tumayo yung babae, pero agad naman napaupo ito ulit. Bakas sa mukha niya na nasasaktan siya.
Inilahad ko sa kanya ang kamay ko para alalayan, ngunit kumapit siya sa mga braso ko…
Pina-upo sa Sofa.
Pagka upo nang pagkaupo niya...kakausapin ko pa sana ng wala na itong malay.
Dumating na din ang gagamot sa kanya at iniwan ko na sila.
Saranghe! Arigato!
Comment!
Rate!
And Vote!
Thank You!