(Aby Sena POV)
Pa, ang aga-aga… highblood ng Sena ninyo oh.
Yung inaanak niyo… bully kasi.
Pangit pala ng kuha ko. Di ba niya alam na mas lalong papangit ang mga larawang kuha ko, kapag siya ang subject ko! Plus baka masira pa ang camera ko sa kanya.
"Tigil na Kevin. Bigay mo na ang camera ko, ngayon din." Baka madaan sa kalmang usapan.
Naglakad siya palapit sa akin. Inalis na nito sa leeg yung tali ng camera na parang ibibigay na nga niya sa akin. Very good, gagawin ko lagi ang tactics na masuyong pagsabihan ang umag na ito. Para di na ako mahirapan.
Ngumiti siya. Inilahad ang kamera sa akin… at ng kukunin ko na… biglang nilayo sa akin. "Kevin!"
"Joke lang." Saka siya tumawa. Nabubully na nga ako ng dis-oras.
Dear Guidance Officer, pwede po ba na si Kevin ang dalhin ko sa harapan niyo? Siguro naman may magagawa kayo kahit paano sa pambubully niya sa akin!