บท 465: Chapter 248 The Sadness Feeling
Ano na naman ang ginagawa ng lalaking to sa loob ng silid ko. OyJeff, nadadamay ako sayo, dahil mamatay na ang shuta mo sa kakaselos sa akin.
"Lumabas ka na nga, ginagawa mo na naman dito." saka kuha ko ng Nissin Cup Noodles ko at ibinalik sa ibabaw ng Mini Ref.
"Bakit ka umiiyak?" na sinundan nga ako ng paningin. Humarap ako sa kanya. Ngumiti ako, "Napuwing lang ako, plus naalala ko lang si Kuya, halos mamatay na ako sa pangungulila sa kanya Jeff?! Kailan ba uuwi si Kuya?"
Inilayo sa akin ang paningin, at naglakad papunta sa pinto. Yan dyan si Jeff magaling. Walk out.
"Huwag ka nang magtatangkang pumasok dito!" kuha ko ng cushion pillow at ibinato ko sa pasarang pinto. Inis na ako, sobra. Inhale, exhale lang Missamy, wag padala sa bugso ng damdamin, dahil kung minsan ito pa ang nagiging sanhi para maging marupok ang isang tao. Letche lang talaga Missamy na papatulan mo si Jeff. Tsk. Ilang buwan na lang I'am out of here?!