บท 397: Chapter 180 Insight
At wala nga akong sinabi, instant na may dumating na malaking kama.
"I'm too tired Missamy." Yun na lang ang paliwanag na narinig ko sa kanya. At tuluyan nang nakatulog nga. Okie. Dyan ka na muna sa sofa lang ako. Ngunit hinila ako pabalik sa higaan.
"Jeff! May gusto ka ba sa akin!" sa asar na talaga ako ng sagad, ano ako dito napapaglaruan niya? Nagulat na lamang ako ng hinawakan niya ang kamay kong dalawa, nagkatitigan kami, saka ngumiti siya.
"Paano kung sabihin ko Missamy, meron."
Napakisapmata ako. Naghihintay siya sa maaring reaction ko sa sinabi niya, pero impossible na magkagusto ang lalaking to sa akin diba?
"Kung yun ang sasabihin ko Missamy, titigil ka na ba sa pakikilandi sa ibang lalaki? Malaki ang role mo sa larong to. Kaya please cooperate with me." Seryoso ng mukha niya, at binitawan na ako.