" Claire.."
" De-Derick."
Bigla siyang ngumiti.
" Para ka namang nakakita ng multo. Kamusta ka?"
" Okey ... Lang."
Saka niya binitiwan ang braso ko.
" Matagal na kasi kitang di nakita. Mabuti naman ayos ka lang ... Nga pala para sa'yo..."
Isang boquet ng bulaklak at may kasamang kahon...
" Di ka na sana nag-abala pa. ... Ahh Derick..."
Lalo siyang napangiti...
" Good, you call me by my name."
Magtatanong sana ako kung siya ba ang nasa likuran ng tumutulong sa amin...
Pero possibleng siya nga.
Paano ko ba sasabihin.
"Ah Derick ikaw ba yung tumutulong sa amin... Pwede bang huwag ka ng tumulong kasi parang nalilibing lang ang utang na loob ko sayo... Pwede bang huwag ka ng magpaki-alam? Di ko naman kasi kailangan ang tulong mo." Haist... Ang taas ng Pride ko...
Walang ibang handang tumulong sakin kundi ang taong 'to na bigla na lang sumusulpot sa buhay ko. Totoo bang minamahal niya ako... O sadyang pinaglalaruan lang niya ako...
" Wala dyan ang kuya mo. Ipinasok muna siya sa examination Room... At siguradong mamaya pa yun lalabas."
Totoo nga... Siya ang nasa likuran nitong lahat... Siguro ayaw niya akong makitang nahihirapan.
" Derick... Salamat."
" Para saan..."
Ngumiti na lang ako sa kanya ...
At di ko namalayan... Napayakap ako sa kanya...
Ano ang magagawa ko kung wala siya...
" Maraming salamat talaga... Derick."
Iniharap niya ako sa kanya.
He smile brightly...
"... Gutom na yata ang mahal ko."
Napabitiw ako.
" So-sorry."
" Tara kumain muna tayo."
Tinignan ko siya...
" Shall we..."
At inilahad sa akin ang kamay niya...
" Libre mo...?" Biro kong tanong...
Piningot niya yung ilong ko...
" ... Bakit pagkakagastusan mo ba ako."
" Hindi ..."
" At hahayaan ko bang pakagastusan mo ko?."
" Pero may trabaho ka pa ba diba.?"
" Yep. Yun kung gusto ko lang pumasok. Tara..."
Hinawakan niya yung kamay ko...
Yun nagpahila naman ako sa kanya.
Pagdating namin sa parking area.
" Seryoso ka ba talaga Derick?."
" Saan?".
" Sa panliligaw mo sa akin."
Napalingon siya sa akin. Seryoso yung mukha.
" Sa tingin mo ba nagbibiro ako?"
"... Ang totoo niyan... Di parin ako makapaniwala... Isa ka sa mga taong may pangalan na pinapangalagaan... Habang ako ... Wala.. Kumpara sa'yo."
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan.
" Yan kasi ang iniisip mo. Wala naman akong pakialam kung may pangalan ka o wala basta ang alam ko... Bigla na lang kita minamahal... Pasok ka."
" Derick..."
Tumango siya sa akin.
Di na ba ako makakatakas kay Derick?...
Di ba siya namumulat sa katotohanan na wala akong nararamdaman sa kanya?
Kailangan ko pa bang harapan sabihin sa kanya na... Hangang kaibigan lang ang turing ko sa kanya?.
Napabuntong hininga ako ng makapasok at naupo sa tabi ng Driver Seat.
... Kinakabahan ako na baka masaktan ko siya. Pero ... Ramdam ko naman na hindi talaga ako para sa kanya.
" What's bothering in you?"
Gising sa akin ni Derick habang minamaneho na niya ang sasakyan.
"Ah.. Wala"
"Wala?. Maniwala sa'yo. Tulala ka kanina."
" Ah... Eh. Wala talaga."
" Sana nga. Kasi mamaya may pag-uusapan tayo."
Nang marinig ko yun nanahimik bigla ako.
Tungkol saan?.
" Claire?."
" po?."
Napabuntong hininga na lamang si Derick sa akin. Dahil siguro alam niya may iniisip ako.
" I' m sorry. Di ko kasi maiwasan mag-isip."
" See.. May iniisip ka nga.. Care to share it."
" ... Huwag mo na lang siguro alamin."
" Claire. Sabihin mo na sa akin. Kung ayaw mo... Malalaman at malalaman ko rin naman yan."
" Ewan lang."
" Ewan? O hindi lang ako ang manliligaw mo?."
Napalingon ako sa kanya...
" Asa namang may manligawa pa sa akin."
" Ikaw ha. Sabihin mo sa akin kung may umeepal sa'yo. Ayoko lang na may nanliligaw sa nililigawan ko."
Ngumiti na lang ako.
" I'm making sure na akin ka lang."
Possesive.
Ang lalaki talaga...
" Heto na tayo."
Tinignan ko sa labas ... Isang resort.
Artificial resort.
Lumabas si Derick at pinagbuksan ako.
" Ba-bakit andito tayo...kala ko ba kakain tayo?"
Ngumiti siya...
" Yap." Inabot niya sa akin yunv kamay niya...
" May tiwala ka ba sa akin?."
"... Derick..." Tinignan ko siya at yung kamay niya...
Tiwala.
Tiwala na kapag nawala ... Wala na.
At kailan man di na babalik sa dati.
... Napatango ako...
At parang gusto ko sa kanya sabihin... Minsan lang ako magtiwala... Para maiwas Man ako sa pagkabigo.
" ... Syempre."
Bahala na.
Pagkaabot ko ng kamay.
hinawakan niya ako ng mahigpit.
Ngunit di ko maitago ang kaba para sa susunod na mangyayari.
" Bakit walang tao?."
Ngumiti siya.
" Special ang araw na ito para sa atin."
If I am her, It's better to hide myself... hahaha... it's make me even more annoyed. ?