ดาวน์โหลดแอป
62.74% Sinking Beneath the Waves / Chapter 32: Chapter 31

บท 32: Chapter 31

Naglakad ako kahit saan, not minding where will my feet take me. Bahala na. Basta ay malayo mula kay Ximi. I was afraid of losing myself. Hindi madali para sa akin ito. While he was enjoying my company, I was falling deeper.

Keep yourself with you, Luca. Hindi puwedeng bibigay ka nalang nang basta basta!

"Where are you going, Luca?" Rinig kong sigaw ng lalaki. 'Di ko siya pinansin. Mas binilisan ko ang paglalakad ko.

I took the route I was not familiar with. Dinala ako ng paa ko sa isang lugar kung saan may hardin. Maraming iba't ibang bulaklak kagaya ng orchid at 'yong dilaw na 'di ko alam anong pangalan. Mayroon din akong nakitang coffee tree. I just knew kape iyon dahil pamilyar sa akin.

Umupo ako sa damuhan. I was sweating. My feet were so tired of walking, lalo pa't nanghihina iyon dahil kay Ximi.

"What's your problem, Luca?" Tanong niya sa boses na naiinis. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Alam mo, malandi ka rin, ano?" Sarkastiko kong sabi at inirapan siya. Narinig ko naman ang mumunti niyang halakhak.

"I don't get you, Luca." He replied. Umupo siya sa tabi ko. Umusog kaagad ako. Nagwawala na naman ang puso ko.

"Ximi..." panimula ko, nakatingin lang sa harap. Sa totoo lang ay 'di ko alam kung ano ang sasabihin ko. "May tanong ako."

"Go, Luca." He demanded lowly.

Nilingon ko siya at kaagad nadatnan ang mataman niyang pagtitig sa akin. Muli akong naconscious sa sarili ko. 'Di naman ako ganito sa iba pero bakit kay Ximi, it just felt different?

"Paano mo masasabing may feelings ka sa isang tao?" Seryoso kong tanong. I was staring at him without blinking.

"May nagugustuhan ka na ba?"

"Just answer me." Mariin kong sabi. Bahagya naman siyang nagulat sa inasta ko.

He sighed. "May feelings ka sa isang tao kapag iba ang pakikitungo mo sa kanya. Like, you're so nice to him. Laging positibo ang nararamdaman mo kapag kasama mo siya o nakikita mo siya."

Right. Wala akong feelings para sa kanya dahil 'di naman iba ang pakikitungo ko sa kanya. I was just being nice because he's my friend. Kapag maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, ganoon din ako sa kanya.

"You know you have feelings for him kapag bumibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing kasama mo siya o kaya'y kahit makita mo lang. Usually 'di ka nakakatingin nang diretso sa kanya kasi nahihiya ka."

Natahimik ako roon sa sinabi niya. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin kaya binaling ko nalang sa ibang bagay ang atensyon ko. I was being so weird here.

Oo bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin pero ang 'di siya matitigan nang diretso? I can do it.

"Bakit ka naman mahihiya?" I asked as I turned to him.

"Of course dahil gusto mo siya." He said like I was the dumbest person he has ever met. "At alam mo ba, ang isa sa pinakamalakas na ebidensya to say you love that person is when you get jealous, Luca. Ayaw mong nakikita siyang may kausap na iba. You don't want him to be happy with someone else when you can make it better. You can make him happier with you."

"What if you can make her happier pero hindi pa rin ikaw ang pipiliin niya?"

Parang ang sakit naman ng tanong na iyon. Siguro may kakayahan tayong pasayahin ang isang tao pero kung hindi tayo ang gusto, balewala lang iyon. Kasi sa taong gusto niya, 'di na kailangan mag effort. Isang ngiti lang, masaya na siya. Samantalang ikaw, kahit ialay mo pa lahat lahat, kung 'di ikaw ang mahal, 'di talaga ikaw. At wala ka ng magagawa roon kahit lumuhod ka sa harap niya at magmakaawang ikaw nalang sana.

"Simple lang. You have to get over from him. Bakit mo pa ipagpipilitan ang sarili mo sa iba? Hindi ka naman ipinanganak sa mundong ito para magmakaawang mahalin ka niya pabalik."

Natauhan ako sa sinabi niya. Tama siya. Bakit ko pa kailangan ipagpipilitan ang sarili ko sa taong 'di ako gusto? Parang sa kanya lang. Iba ang gusto niya. Si Patricia ang mahal niya at alam kong mahal din siya ni Patricia. I just wished them to have a happy ending. I wished him all the best in life dahil deserved niya iyon. He deserved to be happy with the person he loved whole heartily.

Muli na naman kaming tahimik. Ewan ko kung ano 'tong nararamdaman ko. Bakit masakit? Bakit parang nakakapanghina?

"Tara na kaya." Aya ko sabay tayo. Kanina pa nangingilid ang luha ko.

"You sure you're fine?" He asked. Nakatalikod na ako sa kanya.

"Oo. Tara na dahil nagugutom na ako."

Umalis na ako. 'Di ko na siya hinintay pa. Nasasaktan ako. 'Di ko alam kung bakit.

We went back to the function hall. Napag-alaman kong nandoon si Don Diego at Donya Imelda. Tamang tama iyon para madiscuss na namin ang sadya ko rito sa Bukidnon.

"Good afternoon po." Bati ko sa dalawang matanda nang nakita ko sila. Nagmano ako at mukha silang nagtataka kung sino ako. "I'm Luca Nadella, apo po ni Lolo Pocholo at Lola Rita."

"Oh, hija!" Donya Imelda smiled the moment she recognized me. "'Di kita nakilala! I'm so sorry."

"Ay ayos lang po." I faked a grin. "Kumusta po kayo?"

"We're fine, thank you. Maupo ka muna, hija." Aya ni Don Diego.

We settled down on the wooden chairs na mukhang mga sinaunang bagay. Ang ganda ng relic motif dito.

"How long have you been here, hija?" Tanong ni Don Diego. "And who are you with?"

"Actually kahapon pa po ako nakarating dito. Sa ngayon po, I stayed in Ximi's place. Siya po 'yong kasama ko pag-uwi rito."

"Oh," bulalas ng donya. Nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha upon hearing Ximi's name. "Kasama mo pala ang batang iyon."

"Opo," I nodded.

"So," Don Diego cleared his throat. Totoo nga ang sinabi ni Ximi na ayaw sa kanya ng dalawang matandang ito. Pero bakit kaya? "Ano ba ang sinabi ni Pocholo sa iyo?"

"Ahm," I gulped once. Mabuti nalang at sanay akong makipagharap sa mga tao dahil na rin sa naging trabaho ko. "He proposed to me na patakbuhin ko ang plantation in behalf of him. Sa totoo lang po, I don't know much about the said business but I also want to give a shot. Baka magustuhan ko po iyon in case I'll be given a chance to. Si Ximi po ang magiging partner ko sa pagpapatakbo ng negosyo."

"But why don't you work with Raven instead?" Suhestiyon ng ginang.

Napaawang ang labi ko. I didn't know what to say. 'Di ko naman siya kilala.

"Raven's my grandson, hija." Si Don Diego. "I know he's better than Ximi."

"Uhh, let's see po." I said with finality. "I haven't met Raven yet. Si Ximi kasi ay medyo kilala ko na. But who knows we can be a good partners?" I smiled at them.

Sa totoo lang, nakakainsulto sila ng pagkatao. They should have treated their grandsons fairly. Ano naman kung anak sa labas si Ximi? Was that even a valid reason to throw him away? And why did they need to compare Ximi from Raven? Was Raven way better than him?

Yet, hindi tama iyon. Dapat pantay pantay dahil kung mahal talaga nila si Mrs. Thiana, mamahalin din nila si Ximi kahit sino pa ang tatay nito.

"We're looking forward to that, Luca. Bukas na bukas, gusto kong makilala mo siya. I know you will like him." She smiled at me. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.

Later that afternoon, sabay sabay kaming tatlo kumain puwera kay Ximi at sa tatlong babae na 'di ko alam kung nasaan. Sigurado akong kasama ko lang ang lalaking iyon kanina! Bakit kaya 'di siya sumunod sa akin?

At nasaan na ang tatlong Maria? Bakit 'di ko mahagilap? Umuwi na kaya ang tatlong iyon?

"It's 23,000 hectares, hija." Ani Donya Imelda. "Malawak talaga ang plantation but we are also planning to expand it."

Kahit sa hapagkainan ay pinag-uusapan namin ang tungkol sa negosyo. I was asking some details about the pineapple plantation. Iyon ang naisip kong first step in running the business. I needed to know the backgrounds, the current status and alike. Mahirap namang wala akong alam at basta basta lang magpapatakbo ng negosyo.

"Iyon po ba 'yong nilakad nila Lolo Pocholo at Ximi, Donya Imelda?" Pagkaklaro ko. I was trying my best not to offend them kasi honestly, I wanted them to know that Ximi was capable of running the business. Wala naman 'yan sa lahi o kung saan man siya nagmula. Dapat ay kinoconsider pa rin nila si Ximi kahit 'di nila tunay na apo.

"Yes, hija." Si Don Diego ang sumagot. "Ibig bang sabihin ay updated ka sa gawain ng planta?"

"Not really po." I shook my head. "Almost one week? Or more than that. Nilakad nila 'yong papeles and they told me na para iyon sa pag-expand ng plantation. 'Yon nga lang po ay 'di ko alam kung saan at ilan 'yong nadagdag."

"Five hectares is maybe enough. Right, Diego?" Ang donya. Tumango naman ang kanyang asawa. "We were thinking na maganda doon sa Claveria and dito sa Talakag."

"Saan po ba ang Claveria?" I asked. Wala naman akong alam pagdating dito sa lugar nila.

"In Misamis Oriental, hija." Si Don Diego ang sumagot kaya nilingon ko siya. "And Talakag, dito lang 'yan sa Bukidnon."

"Hmm," I hummed. Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa sinabi nila. Basta iyon ang naging plano nila. 'Di ko lang alam kung kailan maisakatuparan iyon.

"That's why we badly need Raven to handle the project. Mas kilala kasi namin ang batang iyon since sa amin siya lumaki. Ximi is just... iba ang nasa isip niya."

"Hmm," I pursed my lips.

Pinagdidiinan talaga nila si Raven. If I wasn't nice enough, I would storm out. I hated that Raven o kung sino man 'yang lalaking iyan. I hated the fact that these old people thought he's better than Ximi.

Alam ko namang wala ako sa lugar to question Raven's potential and abilities. Ang akin lang ay nakakainis iyong pinapamukha ng mga matanda na 'di nila kinikilalang pamilya si Ximi. To think it was their idea that Ximi will carry Abenajo's name.

Ang gulo naman. How did they know iba ang nasa isip ni Ximi while I can see it na nagpupursige naman 'yong tao? Hinuhusgahan na kaagad nila gayong 'di pa nila alam kung anong mangyayari.

"But still," Si Donya Imelda kaya nalihis ako sa iniisip ko. I turned to her and saw the hope in her coffee eyes. "I hope you will consider Raven. Mabuti namang tao iyon so wala kang masasabi sa ugali niya."

"Sige po, Donya Imelda. It's my pleasure to meet him."

Pagkatapos naming kumain ay hinanap ko si Ximi. Wala pa naman akong cellphone kaya 'di ko siya makontak. And speaking of it, nasaan na kaya iyon? Baka panay sa tawag si Herana sa akin. Magtatampo na ang babaeng iyon.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Wala 'yong tatlong babae, wala rin si Ximi. Saang lupalop ng Manolo Fortrich nagpunta ang apat na iyon?

Naglakad ako kahit saan. I needed to see Ximi. Parang may nag-uudyok lang sa akin na makita siya. Even just one glimpse of him, masaya na ako.

Bumalik ako roon sa General's chair. Buo ang tiwala ko sa sarili na roon ko siya makikita. 'Di naman ako nagkamali. He was there, staring blankly at his phone.

Poor Ximi. Now I understood him. Kaya pala malapit siya kina Lola Rita at Lolo Pocholo kasi ganoon ang kwento niya. Sila lang 'yong pinagkakatiwalaan niyang 'di siya huhusgahan.

Kaya siguro ganoon na lamang ang takot ni Ximi na husgahan ko siya kapag malaman ko ang buong kwento. 'Di pala naging madali para sa kanya ang sitwasyon niya. I can say that I was still blessed kahit pa wala na akong mga magulang; still blessed sa kabila ng nangyari. I grew up in an environment na 'di kagaya sa kung ano kay Ximi.

"Ximi?" Sambit ko sa pangalan niya. Nakaramdam ako ng pader sa pagitan namin. 'Di ko alam kung para saan iyon.

I didn't know how and what should I feel about him. Habang iniisip ko 'yong mga araw na naghihirap siya sa kamay ng dalawang matanda, ako naman ay masaya at kontento sa kung anong meron ako. I never asked for more unless I needed to.

Hindi ako nilingon ni Ximi pero alam kong narinig niya ako. Dahil bakante naman ang inuupuan niya, tumabi ako sa kanya.

"Ximi," sambit kong muli at hinawakan siya sa braso. Napatingin siya sa kamay ko bago ako hinarap.

"What are you doing here?" He asked lowly. Sa tono ng kanyang pananalita, alam kong may mali. Nawala na 'yong yabang niya at 'yong mapang-asar na liwanag sa kanyang mata.

"Are you okay?" I asked in concern. I was hurting for him. Hindi ko alam pero nakakawala ng gana 'yong dalawang matanda.

Hindi siya umimik kaya alam ko na ang sagot. Kahit na hindi ko pa siya kilala nang husto, halata naman sa kanyang mata. Eyes don't lie unlike your mouth.

I sighed deeply and burried my face to his chest. Sa pagkakataong ito, alam kong kailangan niya ng masasandalan. He needed some ears that will listen to his mouth and a heart to connect and feel his soul.

"It's okay, Ximi." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

My heart was beating fast again. I knew it was wrong to be near him but I just wanted him to know na nandito lang ako para sa kanya. Kung kailangan niya ng kaibigan, 'di ako aalis sa kanyang tabi.

I felt his hand caressing my back. Muli kong naramdaman ang mahinang kuryente sa katawan ko kaya medyo kumalas ako sa kanya.

"Uhh," I trailed off. "Sorry." I looked away.

Now, I can't even look into his eyes. Nakakahiya! Tama nga ang sinabi niya na kapag gusto mo ang isang tao, 'di ka makatingin nang diretso sa kanya.

Oh, goodness. Gusto ko na ba siya? Huwag naman sana.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C32
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ