ดาวน์โหลดแอป
43.13% Sinking Beneath the Waves / Chapter 22: Chapter 21

บท 22: Chapter 21

"Thanks for accompanying me, Moffet." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay. Nasa labas kami ng sasakyan niya.

"No worries, Luca. Basta ikaw." He smiled genuinely. "Just call or text me if you need me."

"'Di ba nakakaabala 'yon?"

"No," umiling siya. "Ikaw naman 'yon, Luca. I'm always free for you."

"Sige." Nahiya akong ngumiti. "Okay lang ba sa'yo kung pumasok ka muna sa loob? Lola is there."

Gusto ko siyang ipakilala kay Lola Rita. Moffet's a nice guy. And I'm pretty sure naman walang problema iyon sa kanya. And speaking of Lolo Pocholo, wala pa siguro siya ngayon. Sayang 'di niya mameet nang personal si Moffet.

"Sounds good." He agreed.

"Great!" Excited kong bulalas. "Tara?" He nodded in between his smile.

Pumasok na kami sa loob. Habang naglalakad kami papunta sa main door ay sumusulyap ako sa kanya. Mukha naman siyang confident. Walang takot o pangamba ang nakikita ko sa kanya.

Maybe because his intentions were clean. Na mabuti naman talaga siyang tao. He has no plan of hurting me.

Binuksan ko kaagad ang pinto saka ako pumasok. I glanced at Moffet na nakangiti pa rin. Bakit kaya palangiti ang taong 'to while Ximi's always mad and serious? Paano kaya sila naging magkaibigan gayong magkaiba sila ng personality? Or maybe it's how friendship works?

"I'll just check where lola is, Moffet." Sabi ko at iniwan muna siya sa sala. Umakyat ako sa taas at tinungo ang kuwarto ng matatanda.

Itinapat ko ang tainga ko sa pinto para marinig ang nasa loob. Nang may narinig akong ingay ay binuksan ko ang pinto.

"La?" Tawag ko. Nakita ko si lola na nakaupo sa kama. And to my surprise, nandoon din si Ximi.

"Apo," tawag ng matanda. "Nandito ka na pala."

I glanced at Ximi and saw a light in his eyes pero kaagad iyong naglaho.

"May bisita tayo, la." Sabi ko at bumaling sa matanda.

"Who?" Si Ximi ang nagtanong sa nakakunot na noo.

"Moffet. Pinapasok ko muna. I want him to meet Lola Rita."

Mas lalong kumunot ang noo ni Ximi. Kulang nalang ay magkabohol bohol ang itim na kilay.

"You should have not done that thing, Luca." Si Ximi na parang dismayado sa akin.

Naglakad ako papunta sa kanila, not minding Ximi's furious eyes. Ano namang masama sa ginawa ko?

"Nasaan siya, apo?" Finally lola spoke.

"Nasa baba na po, la. 'Di naman siguro masama kung gusto ko siyang ipakilala sa iyo, 'di ba, la?"

"Oo naman, apo." Lola chortled. "He's your friend naman. It's your very first time to introduce your boy friend to us."

"He's not my boyfriend, la." I sounded defensive.

"Boy friend, Luca. Not boyfriend." Pagtatama ni Ximi. "It means you have a friend who is a boy."

Napatunganga ako sa kanya. "I thought boyfriend like romantic relationship."

'Di ko naman alam na magkaiba iyon. Ano bang alam ko sa bagay na 'yan?

"Unless he is?" Ximi challenged.

"Hindi nga!" Reklamo ko. Tumawa naman si lola. "Kainis," bulong ko. "Bababa na ako, la." Inirapan ko si Ximi saka lumayas sa harap nila.

Bakit ba ang sakit sa ulo nitong si Ximi? Always a pain in the ass.

Bumaba na ako at tinungo ang kinaroroonan ni Moffet. He was sitting on a sofa, typing something on his phone. Nang naramdaman niya ang presensya ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin saka ngumiti. Pinasok niya sa bulsa niya ang kanyang phone.

"Is everything's alright?" He asked worriedly.

"Yeah," paos kong sabi. Nanghina ako dahil kay Ximi. "Gutom ka ba? Let's have something to eat."

"I'm fine, Luca. Don't mind me."

May narinig kaming yabag ng paa pababa. I was expecting Lola Rita at 'di naman ako nagkamali.

"Hi, La!" Bati ni Moffet sa matanda. Kuryoso ko naman siyang tinignan.

He already met Lola Rita?

"Margarico!" Lola greeted back, chortling. "I'm happy to see you again."

Nagmano si Moffet the moment lola landed on the floor. Masasabi kong close sila o magkakilala na talaga.

Lumipad ang tingin ko kay Ximi at sakto namang umiling siya. He looked so disappointed for what I did.

"Thanks, la." Rinig kong sabi ni Moffet. Sumulyap ako sa kanya saka kay Ximi ulit ang atensyon ko.

His sharp eyes told me to back off. Nagbabanta iyon. Demanding to explain something to him.

"Gutom ka ba, hijo?" Rinig kong tanong ni lola. Saka lang ako nabalik sa ulirat. I then turned to her.

"Hindi naman po, la. Kumain din naman kami bago umuwi rito."

"Ah," lola nodded. "Mabuti naman at sinamahan mo si Luca sa pagpunta kina Atifa. Alam mo namang 'di 'yan marunong magmaneho."

"La!" Reklamo ko. Tumawa lang ang dalawa.

"Wala sa akin 'yon, la." Si Moffet nang nakangiti. "She's a good friend of mine. Saka libre naman ako lagi pagdating sa kanya."

"Hmm, I can smell something." Lola teased. Nag-iwas naman ako ng tingin. I blushed. Nahihiya ako kay lola.

Nabigla ako nang umalis si Ximi. I watched him walking towards his room. Lola and Moffet didn't seem to notice it. Padabog na sinara ni Ximi ang kanyang pinto.

Psh. Ano kayang problema ng lalaking iyon? Magkagalit pa rin ba sila ni Patricia? Kung ganoon, bakit niya ako dinadamay sa problema niya?

'Di nagtagal ay umuwi na si Moffet. May tumawag sa kanya na kailangan niyang puntahan ang kanyang nanay. 'Di na ako nagtanong pa kasi mukha naman siyang nagmamadali. Hinayaan ko nalang siyang umalis dahil alam kong emergency iyon. Mas mahalaga pa rin 'yon kesa sa anong bagay.

Pagpatak ng alas sais ay dumating si Lolo Pocholo kaya naman maaga kaming kumain. Ganoon pa rin ang arrangement ng mga upuan namin.

"How's your business going, lo?" Tanong ko.

Kasalukuyan kaming kumakain. Tahimik lang kasi sila kaya naman sinimulan ko ng topic. Nabibingi ako kapag tahimik sila.

"Maayos naman, hija." He replied. "If you were to choose a job, would you consider the plantation?"

Lolo looked at me in the eyes. Kaswal lang ang kanyang mukha pero alam kong seryoso siya sa tanong na iyon.

I glanced at lola and Ximi. Maging sila ay nagulat din sa tanong ni lolo.

"A-Ano bang alam ko riyan, lo?" I asked back. "It would take some time to study the plantation."

"You'll just visit there twice or thrice a week, apo. The rest, you're working on the activities."

"Activities like what, lo?"

Masyado akong matanong pero tama naman siguro iyon dahil kailangan ko ng impormasyon. I need to know some details of the said plantation.

"Ximi will teach you, Luca. Think about this. Mas maganda iyong bagong karanasan naman. Aren't you tired of your job?"

I turned to lola and Ximi once again. I was running out of answers. Saka bigla bigla kung magdesisyon si lolo.

"P-Pwede namang pagkatapos ng kasal ni Atifa, 'di ba?" I hoped. Payag naman ako sa alok niya but he has to give me some time.

"No problem, apo." Si Lolo. "Does that mean you agreed with me?"

"Yes, lo." I smiled at him. "But give me enough time."

"Sure." Tumango si lolo. Napabuga naman ako ng hininga. 'Di ko alam kung tama ba ang ginawa ko. 'Di ba dapat ay pag-isipan ko iyon nang ilang beses?

Pagkatapos naming kumain ay tumambay ulit ako sa pool. Ang malamig na haplos ng hangin ay nagpapaalala sa akin na ilang taon akong nabuhay mag-isa. I was content and happy. I never asked any help from anyone as long as I can do it by myself. At ang bawat kinang ng bituin ang siya namang nagsasabi na kahit sa kadiliman ay may liwanag.

I heaved a long sigh. Nangungulila ako. I can feel something was missing in me. Siguro namimiss ko lang sila mama at papa. I would be happier if they are still alive. And I forgot to remind myself that I should visit them. It's been awhile since the last time I saw their grave.

Someone knocked me off from my trance. He dragged another bench and placed it beside mine.

"Seryoso mo na naman," he commented and ran his palm in my face. Sumimangot ako sa ginawa niya.

"What are you doing here?" I asked in furrowed brows.

"I was about to sleep when I saw you here."

"Then?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I just thought you need some ears?"

Siningkitan ko siya ng mata. Okay na ba sila ni Patricia at okay na ang pakikitungo niya sa akin?

"Some ears your ass." I rolled my eyes at him. "So, you're in good terms with Pat because you're being nice to me?"

Ngayon ay siya naman ang nagtaka. He looked so puzzled.

"What do you mean?"

"Sus," umirap ako at tinalikuran siya. "Moffet told me nag-away kayo ni Patricia that's why you're always mad." I turned to him. "I just thought bati na kayo kasi ayos ka nang magsalita."

He chuckled at umiling. Mukha siyang nawiwili sa sinabi ko.

"You're thinking too much, Luca. You assume things go just like what you think."

"Huh?" Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "Puwede bang magtagalog ka nalang kung mamimigay ka ng words of wisdom mo."

"Nevermind, Luca. Kahit naman anong wika, 'di mo pa rin gets 'yon."

"Nang-iinsulto ka ba?" Naramdaman ko ang pag-usbong ng inis ko sa kanya.

"Did I sound like?" He chortled. Nang-iinis talaga 'tong taong 'to!

"Umalis ka na nga!" I pushed him away pero 'di man lang siya natinag. "Gusto kong mapag-isa!"

I crossed my arms in front and faced my back at him.

Hindi siya kumibo, ganoon din ang ginawa ko. Nabibingi na naman ako sa katahimikang namamagitan sa amin.

"Ano ba talagang sadya mo rito?" I asked without looking at him.

"Are you serious when you accepted lolo's proposal?" Malumanay niyang tanong.

I faced him in curiosity. "What proposal? You mean 'yong trabahong alok niya?"

"We usually call it proposal, Luca. And yes, 'yong alok ni lolo na sa plantation ka na magtatrabaho."

Nagbaba ako ng tingin. Ngayon ko lang din napagtantong um-oo nga pala ako kay Lolo Pocholo. Pero... wala naman sigurong masama kung susubukan ko 'yon? Bagong experience, ikanga.

I looked at him straight. "You think I made a wrong decision?"

He stared back, which made me feel uncomfortable. The way he stared at me was something up to.

"No," he shook his head. "But it will always depend on the result, Luca. If you'll be happy with your new job, then there's no reason to regret it."

I looked away, contemplating. May sense naman pala itong kausap si Ximi.

"So, ikaw ang magtuturo sa akin?" I turned to him again. "Kasi siyempre-"

"Yes, Luca." He cut me off. "But I'll give you enough time to think about it. You want us to visit the plantation?"

Kuminang ang kanyang mata kasabay ng paglawak ng kanyang labi. He was smiling! Mas guwapo siya kapag nakangiti.

"Why not?" Tumawa ako nang mahina. "Kung magugustuhan ko, sige papayag ako sa alok ni lolo. Basta ay 'wag mo 'kong pababayaan, ha? Wala akong alam pagdating diyan. Kailangan kita." I grinned akwardly.

"Of course, Luca. You got my back." He said and smiled back.

We stayed for how many hours on our seats. Nang nainitan ang pwet ko ay lumipat ako sa tabi ng pool. Binabad ko ang paa ko sa tubig.

Tumunganga lang ako sa pool. Naglilikot ang tubig dito dahil magulo ang paa ko. Pinaglalaruan ko kasi.

I felt Ximi sat next to me. Pabango pa lang niya ay naaamoy ko na.

"I'm bored." He said. Nilingon ko kaagad siya at tama siya, he was bored. Mukha pa lang niya ay parang inip na inip na.

"Wanna go out?" I suggested, grinning. He just looked at me, speechless. "Let's have some ice cream trip." Tinaas baba ko ang dalawa kong kilay.

"Are you serious?"

Ngumiwi ako sa kanya. "Mukha ba akong nagpapatawa? Nagbibiro?" Umirap ako. Kahit kailan talaga 'tong si Ximi.

"Malay ko ba?" Painosente niyang sagot. Hinampas ko naman siya sa braso niya. "Hey!"

Tumawa ako. Ang cute ng reaction niya. Humupa lang iyon nang napansin ko ang paninitig niya sa akin. His eyes were overwhelmed.

"What?" I asked, grinning. Natawa na naman ako sa kanya.

"You look so good when you smile, Luca." He complimented and I slightly blushed. "Mas bagay sa'yo ang tumatawa kesa ang tarayan ako."

"Kasalan mo kaya kaya ako mataray sa'yo!" I barked.

"And now the blame's on me." He chortled. "You like turning tables, don't you?"

I looked away. "I'm not turning anything to my side, Ximi. Sadyang iba ka lang mag-isip kumpara sa akin."

"Tell me more, Luca."

I tilted my head at him. Naguguluhan ako sa sinabi niya.

Brushing off the topic, I widened my lips and pushed him off to the pool. Nalaglag siya and to my surprise, hinila niya ako kaya natangay ako.

"Hey!" Sigaw ko nang nakatayo ako. I wiped off my face and punched his chest. "Ang daya!"

"It was your fault!" He laughed. Winisik wisik niya ang tubig sa akin kaya nabasa muli ang mukha ko.

I moved away while firing the water to him. He was also doing the same thing pero mahina na. 'Di kagaya sa akin na malakas.

"Stop!" I begged. Tumawa naman siya kaya tumawa rin ako.

Baliw.

"Please," I pleaded. Mabuti at huminto siya sa kanyang ginagawa. Wala akong kalaban laban sa kanya dahil mas malaki ang kamay at mas malakas pa kesa sa akin.

"Sorry," he chuckled at lumapit sa akin. Ako naman ay nagpupunas ng mata.

He held my hand and I felt a tingling sensation. Napatunganga ako sa kanya as he was also holding my eyes.

"You okay?" He asked. Nag-iwas ako ng tingin at medyo lumayo sa kanya.

"Yeah," mahina kong sagot.

He was just watching me staying away from him. Kahit siya ay naguguluhan sa inaakto ko.

I felt it. Iyong sabi ni Herana na spark kapag nahawakan mo ang isang tao nang 'di sinasadya, sa kahit na anong parte 'wag lang pribado. At ang sabi niya, it was a sign that a bond was getting stronger. Na may mabubuo.

Natakot ako. I recalled the time when Herana told me she felt that "spark" when the love of her life held her hands. Nakakakaba raw ito at para kang nililipad sa alipaap.

Pero ano nga ba 'yong naramdaman kong mahinang kuryente kasabay ng paglukso ng puso ko?


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C22
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ