Ania's POV
Kinaumagahan late na naman kami ni ate. Pumasok kami sa kanyang klase. Abala ang professor sa pagturo ng mga bagay na hindi ko naiintindihan.
"Miss Salvador, you are late again in my class."
"Sorry, sir" pahiyang sabi ni ate.
"Akala ko ba matalino ka? Alam mo naman siguro na 7:30 yung klase natin. Anong oras na? Bukas may exam ako sa inyo and since you were always late in my class, i wish you good luck. Hope you don't lose your scholarship "
Walang imik si ate. Nakakatakot talaga yung prof. Ganito pala sa kolehiyo? Ang sungit ng mga professor at napapansin ko lang ang tatanda na nila no. Ang bad niya kay ate. Alam ko namang mali niya na late siya pero may dahialn rin naman. At isa pa. Hindi naman araw-araw siyang late eh.
Working student kasi si ate. Buti na nga sigurong namatay ako at least hindi na ako pabigat sa kanya.
Pero nakakairita talaga yung prof.
"Nawalan na talaga ng respeto ang mga estudyante ngayon. Kami dati , sa panahon namin..."
At eto na naman tayo. Ang simula ng paulit-ulit na kwento ukol sa kaibahan ng panahon noon at ngayon. Palagi nalang pag may na-late sa kanyang klase yan palagi ang kanyang sermon. Halos na memorize ko na ang lahat ng mga nakaraan niya.
Napahinto lang yung prof may pumasok na lalaki. He looks familiar.
Familiar daw.