Kasalukuyang pauwi na si Margarette galing bar. Gabi na at mag-isa lang siya habang naglalakad. Medyo tipsy na siya dahil sa ininom niyang alak pero ginusto niyang umuwing naglalakad.
Habang sa likod niya, may sumusunod sa kanya. Isang lalaking lasing. Medyo nagmadali si Margarette na maglakad dahil naramdaman niyang may nakasunod sa kanya. Takot naman siyang mahalay neto, hanggang sa maabutan siya nito at hinarangan.
"Saan ka pupunta, Miss? Gusto mo bang ihatid na kita?" Tanong ng lalaki. Matanda na din ito.
Iniling na lang niya ang kanyang ulo, "Huwag na po. Kaya ko naman umuwi." Sabi niya.
Bigla na lang ngumisi ang lalaki at hinawakan ang braso niyang makinis. "Sumama ka na wala namang mangyayari sayong masama kung sasama ka eh." Nang dahil sa takot niya, hindi na lang siya nagsalita.
"Hoy! Bitawan mo siya!" Sigaw ng isang lalaki.
"At sino ka namang ugok ka?" Tanong ng lasing, ngumisi lang ito.
"Hindi na kailangan ang pangalan ko para bitawan mo ang babaeng 'yan!" Lumapit na siya sa dalawa at bigla na lang sinuntok ang lasing. Napahandusay na lang ito sa kalye habang dumudugo ang bibig.
"S-salamat." sabi ni Margarette sa lalaking tumulong sa kanya. Ngayon lang din niya napansin na may dugo ito sa damit pero hindi na niya initindi 'yun.
"Wala yun, Miss. Okay ka lang ba?" Tanong nito.
Tumango lang siya habang nanginginig pa rin ang kanyang tuhod. Bigla na lang siyang napaluhod at umiyak.
"Oy, akala ko okay ka na? Eh bakit ka umiiyak, Miss?"
"Wala kang pakialam!" Sigaw niya sa lalaki.
"Aba! Pasalamat ka tinulungan pa kita sa lasing na 'yan." Sabay turo dun habang mahimbing nang natutulog sa kalsada.
Ganyan talaga si Margarette, nag-iiba ang mood. Kahit sinong hindi niya kilala pinagtatarayan niya kung malasing siya.
"Hindi ko naman sinabi na tulungan mo ako ah?"
"Ah ganun? Sige thank you na lang ah." Sabi nung lalaki at umalis na.
Hindi na din niya hinintay na linungin siya ng tumulong sa kanya, kusa na lang siyang naglakad mag-isa pauwi at nagtagumpay naman siya.
Walang siyang kasama sa bahay dahil ulila na siya. Hindi na din siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil walang tumutulong sa kanya, maging mga kamag-anak niya hindi siya tinutulungan.
"Haaaaay," buntong-hininga niya. "Nagugutom ako."Sabi niya sa sarili.
Ni wala din siyang makain sa bahay niya. Pero bakit siya parati sa bar? Dahil dun palagi ang crush niya. Lagi din siyang nililibre ng maiinom at pagkain, pero ngayon hindi na kasi nandun ang girlfriend ng crush niya.
Natulog na lang siya para mawala ang gutom niya. Pero...
* TOK TOK TOK *
"Sino yan?" Sigaw niya pero walang sumasagot.
* TOK TOK TOK *
"Aish!" Bumangon na siya at binuksan ang pinto. Wala siyang nakitang tao pero isang paper bag na may sulat.
'Open it.'
Yun lang ang nakasulat, napasimangot siya. Sino ba naman ang magbibigay sa kanya nun sa ganitong oras?
Binuksan niya iyon... at lumantad sa kanya ang "Pagkain." Sabi niya sa sarili. "Kung sino man ang nagbigay nito, hulog ka talaga ng langit! Salamat ha!" Sigaw niya. Wala naman siyang kapit-bahay. Tanging nag-iisa lang siya sa lugar na yun.
Pumasok na ulit siya at kinain na ang pagkain. Sobrang gutom na siya simula pa kaninang umaga.
Maya-maya na lang ay natapos na siyang kumain at nagpahinga saglit.
"Ma, Pa... Kung saan man kayo sana masaya kayo kahit iniwan niyo ako." Sabi niya sa hangin at bigla na lang tumulo ang luha niya.
"Aish! Huwag nga kayong tumulo!" Sabi niya pero patuloy pa rin sa pagtulo ito. "Pasaway!"
Nag-isip-isip na rin siya ng ibang bagay para malibang at nakatulog na.
~~
MARGARETTE'S POV
Nagising ako sa tunong ng cellphone ko.
Ang hirap maging ulila. Wala kang kaagapay. Wala mahingian ng pera. At mas lalong walang makain.
Kaya ngayon, gutom na naman ako. Pero salamat na din kagabi kasi may nakain din ako. Pumapayat na talaga ako. Sino ba pwedeng mahingian ng tulong dyan? Paampon na lang ako.
Bumangon na ako at naligo. Hindi ko alam kung bakit may mga stock ako ng mga sabon at shampoo dito sa banyo ko. Nagulat na lang din ako kahapon na may nakalagay na sa cabinet.
Sino na naman kaya ang magbibigay nito? Ni wala nga akong mga kaibigan na tumutulong eh. Kahit sinong lalapitan kong kakilala ko, nilalayuan ako. Ang sama lang sa damdamin mo diba? Sige lang, darating at darating din ang karma sa buhay nila.
Natapos na ang dapat kong gagawin sa banyo.
Saan na naman ako pupunta? Edi dito na lang sa bahay.
Maglinis kaya ako?
Good idea! Para malibang naman ako.
Inuna ko na ang paglinis sa taas. Sa kwarto ko at kina Mama at Papa.
Maalikabok na ang paligid. Eh ako lang naman kasi ang tumitira dito.
Eh paano kung paparentahan ko na lang kaya ang bahay para magkapera din ako? Okay ba?
Aish! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? -_-
Ang hirap mag-isa! :(
~~
Alas kwatro nang hapon na. Tapos na din akong maglinis ng bahay. Pero gutom na ako kanina pa! Help me! Gusto ko na talaga may makakasama dito sa bahay! Hindi naman haunted house dito eh. Sadyang ako lang talaga ang tumitira.
Umupo ako sa couch at humarap sa bintana. Ang boring lang kasi walang dumadaan. Liblib na lugar ba naman ang kinatitirikan ng bahay ko?
Pero maya-maya lang eh may dumaan na lalaki, parang namumukhaan ko din siya. Pero hindi ko na nilabas. Namamalik-mata lang siguro ako.
~~
Gabi na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa upuan.
Gutom na talaga ako!
Naiyak na lang ako. Bakit pa? Ni wala naman akong katulong sa buhay. Saan pa ako hahanap ng makakain? Ni ayaw ko naman mamulot mula sa basurahan. Duh? Hindi naman ako taong-grasa. May pinag-aralan ako! Hindi nga lang nakapagtapos dahil maagang namatay sina Mama at Papa sa aksidente.
Binuksan ko ang pinto at lalabas na sana nang may mahagip ang mga mata ko sa hagdan sa pinto. Isang paper bag na naman.
Binuksan ko iyon at bumungad na naman sa akin ang isang putahe ng masarap na pagkain.
Pumasok ulit ako at tumungo sa kusina.
"Woooh salamat may makain din! Salamat sa nagbigay!" Sigaw ko. Sana ganito araw-araw.
Kinain ko na iyon at bago ko matapos kumain eh hinanap ko muna kung may nakalagay na note sa paper bag pero wala akong nakita.
Bigla na lang umulan. At may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at bumugad sa akin ang lalaking tumulong sa akin kagabi. Basang basa na siya.
Bakit siya nandito?
"Sino ka?" Tanong ko.
Ngumiti siya. "I'm Jason," sagot niya. "Pwede makituloy?" Patuloy niya.
"Sino ka naman para makituloy dito? Ni hindi nga kita kilala." Singhal ko sa kanya.
Napangisi siya. "Nagpakilala na ako, Miss. Huwag mong sabihin isang segundo lang nakalimutan mo na?" Natatawang-naiinis na sabi niya.
"Tss." Sabi ko.
Napaisip ako, baka holdaper 'to? Naku naman!
"Hindi ka naman masamang tao?" Tanong ko sa kanya. Nasa pinto pa rin kami.
"Hindi, Miss. Mabait ako." Sagot naman niya. "Ano, papasukin mo na ako o hindi pa? Nilalamig na ako eh."
"Geh, tuloy na." Sabi ko at pumasok na kami. "Upo ka muna." Sabi ko at tumungo sa hagdan.
"Pwede bang manghiram ng damit?" Tanong niya. Nakaupo na siya sa couch.
"Geh, kukuha lang ako."
Umakyat na ako at tumungo sa kwarto nila Mama para kumuha ng damit ni Papa. Hindi ko kayang itapon ang mga gamit nila kasi baka magalit sila.
Pagkakuha ko ng damit at tuwalya bumaba na ako. Naabutan ko si... Ano nga pangalan niya? Aish! Bakit makakalimutin na ako? -_-
Binato ko sa kanya ang dala ko at naupo sa harap niya.
"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko.
"Jason. Ikaw?" Tanong niya habang punupunasan ang buhok niyang basa at bigla na lang niyang hinubad ang damit niya kaya napatalikod ako.
"Pwede ka nang tumingin." Sabi niya kaya humarap na ulit ako.
Kasya naman sa kanya ang damit ni Papa.
"So, anong pangalan mo?" Tanong niya.
"Margarette." Sagot ko. Napatawa siyang mahina. "Tinatawa-tawa mo?" Tanong ko.
"Ang pangit ng pangalan mo! Pfft!"
"Aba walang hiya ka ah!" Binato ko siya ng throw pillow, nasalo niya naman.
"Okay, sorry." Natatawa pa rin siya. Wala na akong magawa! Yun ang pinangalan sa akin ng mga magulang ko eh. Tss. "Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong niya.
"Oo. Bakit ka pala naparito?" Tanong ko naman.
"Ah wala lang. Gumagala lang kaya lang biglang umulan. Sakto nga eh malapit lang ang bahay mo nung biglang umulan kaya dito ako dumiretso." Paliwanag niya. Tumango tango na lang ako.
Bigla na lang natahimik at tanging ulan lang ang maingay.
"May pamilya ka pa ba?" Tanong niya.
Umiling lang ako bilang sagot at tumango naman siya.
"Eh ikaw?"
"Katulad mo wala na din."
"Bakit anong nangyari sa kanila?" May itopic lang.
"Huwag mo nang alamin. Hindi mo maiitindihan." Sagot niya.
"Okay. Eh saan bahay niyo?" Tanong ko ulit.
"Wala na akong bahay. Nakikitira lang din ako sa bahay na walang tao." Ano daw?
"Ahhh..."
Silence.
Silence.
Silence.
"Ah, matutulog na ako." Biglang sabi ko. Inaantok na din kasi ako.
"Sige." Sagot niya.
Tumayo na din ako at tumungo sa hagdan at nagsalita siya.
"Ah Margarette, pwede bang dito na lang ako tumira?" Tanong niya at halata sa boses niya ang pagmamakaawa.
Siguro wala namang masama kung papayag ako diba? Mas mabuti na din ito para may tumulong sa akin dito.
"Oh sige..." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Salamat." Sabi niya.
Tumango lang din ako at umakyat na.
Tama ba ang desisyon kong iyon?
Ewan ko ba! Namimiss ko lang din kasi ng may kasama sa bahay sa loob ng ilang taong pangungulila.
~