ดาวน์โหลดแอป
97.36% My Troubled Heart / Chapter 37: What's in your Heart

บท 37: What's in your Heart

"Please be mine."

Parang pauli-ulit na tumatakbo saisipan niya ang huling kataga ni Brad bago siya nito iniwan.

Hindi niya malaman kung matatawa basiya o ano. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana.Napabuga siya ng malakas sa hangin.

Kanina pa niya sinusubukang matulogpero lagi naming sumasagi sa imahinasyon niya ang halik na ibinigayng lalaking iyon.

Pangalawang beses na nitong ginagawaang mapanghangas nitong halik pero hindi pa rin niya maipaliwanag anglakas ng kabog ng dibdib niya.

"Arrrggg!", ibinaon niya ang mukhasa unan.

Ano naming ibig sabihin ng mokong naiyon?

Bumalikwas siya ng bangon. Ipinasyaniyang tumayo at lumabas ng kwarto. Mukhang kailangan niya ngmaraming hangin at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kakaisip.

Madilim na hallway ang sumalubong sakanya habang naglalakad.

Mukhang tulog na ang lahat.

Dahan-dahan siyang naglakad atiniwasang gumawa ng ingay. Sa sobrang laki ng mansion na ito hindi parin niya maiwasang maligaw.

Saan na nga ba ang kusina?

Napahinto siya ng marinig ang pag-bukasng pinto. Naaninag niya ang ilaw na nagmula sa huling kwarto nghallway. Napatago siya sa may malaking vase sa tabi.

Teka, bakit ba ako nagtatago?

Nagulat siya ng iniluwa ng pinto siVictoria. Suot suot lamang ang nighties nito, halos maaninag na angmala-diyosa nitong katawan. Hindi ba nilalamig ang bruhang ito?

"Thanks for the night love",narinig niyang sabi nito.

Love?

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sapumasok ito sa katapat na pinto. Hindi niya mawari kung bakit biglana lang kumabog ang dibdib niya.

* * *

Sumalo ng agahan ang buong staff ng ginagawa ni Brad na pelikula kinaumagahan. Hindi niya nakita angmukha nito kaya't medyo nakahinga siya ng maluwag. Hindi pa niyaalam ang gagawin sakaling magharap sila. Maagang umalis ang mgamatatanda para sa monthly check-up ng mga ito.

"Mukhang hindi pa bumabangon siBrad", ani Jack.

"Pinagod yata nitong si Victoriakagabi", biro ng director. Sabay-sabay nagtawanan ang mga staff.Muntikan na siyang masamid sa kinakain.

"I'm sorry", hinging paumanhinniya sa mga ito. Kaagad siyang inabutan ng tubig ni Jack. "Thanks."

Pakunway tumawa ng mahinhin si Victoriasa mga ito. "Kayo naman." Bahagyang pinamulahan ang mga pisnginito.

"Tayo-tayo lang naman dito, alamnaman naming ikaw ang dahilan kaya pumasok ng showbiz si Brad tama?"Tanong ng director. "Are we going to hear wedding bells soon?"

Lalo yatang lumakas ang tawa niVictoria. Medyo hindi na niya nagugustuhan ang itinatakbo ng usapanng mga ito. Binilasan niya ang pag-subo at nag-excuse sa mga ito.

"Well I'm pretty sure we'll getthere. Wag lang sanang may e-epal sa aming dalawa", masiglang sagotnito.

Nahagip niya ang makahulugang tingin niVictoria sa kanya. Huminga siya ng malalim at mabilis na umalis.

Grrrrr! Grabe talaga ang babaengiyon. Ako ba ang pinariringgan niya? Kapal!

Patuloy siya sa paglakad hanggang sadingding na lang ang hahakbangan.

Peste naligaw na naman ako. Kanina'ysinundo lang siya ng katulong kaya't nakarating siya sa tamangkwarto. Nawala sa isip niya kung saan ang pabalik.

Naalala niya ang malaking vase sa gilidkung saan niya nakita si Victoria. Nasa tapat siya ngayon ng kwartokung saan lumabas ito ng hating-gabi. Napa-atras siya ng biglangbumukas ang pinto. Nanlaki ang mata niya ng mapagtanto ang nasa harapniya ngayon.

"B-Brad?"

Kumunot ang noo nito. Tumutulo pa angtubig sa buhok nito, indikasyong kagagaling lang nito sapagligo."Hey. I just woke up."

Hindi siya makapaniwala sa realizasyongtumatakbo sa isip niya ngayon. Kung ganon ay sa kwarto pala ng binatananggaling ang Victoria na iyon. Naningkit ang mga mata niya.

Yun pala ang dahilan ng pagkapuyatnito.

"You." Napakagat labi siya.Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit dito.

"What's wrong babe?"

"Don't you dare babe me." Kaagad niya itong tinalikuran.

Hinawakan siya nito sa braso parapigilan. "What have I done wrong?"

"Aba't tinatanong mo pa talaga ha.Huwag mo nga akong hawakan at baka may natira pang germs ngkung sino yang kamay mo."

Napaawang ang bibig nito. "I-I don't get it."

Tinalukaran niya ito ulit.

"How about your answer last night."

Napahinto siya sa paghakbang. Haloshindi na yata makita ang mata niya sa pagkasingkit at halosmagsalubong ang mga kilay niya.

"The nerve of you to ask. Answer ba kamo? Subukan mong i-GMG. Nandon yung sagot."

"What the hell is GMG?"

Nilingon niya ito sabay sigaw ng,"Google-Mo-Gago! Hmp!"

* * *

Napapiksi siya ng may biglang humawak sa balikat niya.

"Hey", wika ni Jack.

"Sorry, akala ko kung sino eh."

"Are you alright?" Tiningnan siyanito ng maiigi.

Nakatulala lang siya sa mga isda. Sapagtatangka niya bumalik sa kwarto, ang garden ang natagpuan niya.Napakalawak at may sariling pond ang hardin.

"Siguro. I don't really know what to feel."

"Ahh, but I know what you feel."

Napatawa siya. "Ano, psychic ka narin? Sige nga, ano ang nararamdaman ko ngayon?"

"Hmmm.... I know that you were hurt when the director said something about Victoria and Brad."

"Hindi ah", tanggi niya.

"And the fact that you are hurting,it means you like Brad."

"Uy ibang level na ang imagination moJack." Sabay pilit na tawa.

"You're like a clear water Lola. I can see through you. There's no need for denying."

Bumaba ang tingin niya. "Kung yun nalang ang tanging paraan ko para maiwasang masaktan, wala naman sigurong masama kung iisipin ko na lang na wala talaga akong nararamdaman."

"Hanggang kelan mo naman kayang itago yan?"

"Hanggat kaya ko pa."

Napangiwi siya ng bigla nitong pisilin ang magkabila niyang pisngi. "Naku Lola, kailangan yatang i-stretch natin ang mukha mo para mawala yang mga agam-agam mo. Nasan na yung Lolita na nakilala ko dati? Ilabas mo."

Napatawa siya habang pilit kumakawala dito.

Pareho silang huminto ng marinig angisang tikhim. Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan niyon.

Si Brad na mas makulimlim pa yata angmukha sa nangangalit na ulap.

"It will be better f you stop touching what is mine Jack." Tiim bagang na sabi nito.

Cool lang na ibinalik ni Jack angtingin dito. "It will, if she's really yours."

Matalim ang tingin na ipinukol ni Bradsa kanya. Nakaramdam siya ng kaba dahil parang kakainin siya nito ngbuhay ng mga oras na iyon.

"And you woman! I told you I don't want seeing you with other guy! Why do you keep me angry over & over again?"

"Aba't -----" Hindi na niyanaituloy pa ang sasabihin ng mabigla siya sa sumunod nitong ginawa.

Mabilis itong nakalapit sa kanya atparang bigas na isinampa siya nito sa balikat.

"Brad! Put me down now!"

"You have to be punished woman."

"What? Anong punished ka dyan?! Jack help me."

Bigo siyang makahingi ng tulong ditodahil para itong bata na tmatawa sa kanila.

"Thanks bro", ani ni Brad kay Jack.

"I thought you were my friend?!"

Kunway inilagay nito sa tenga ang hawak nitong telepono. "Direk? Ha? Wait, wala yatang signal dito."Pagkatapos ay humakbang na patalikod.

"Traitorrrrrr!" Sigaw niya dito.

Hindi siya makapiglas sa pagkakahawak ni Brad kahit anong galaw niya.

"You'll just waste your effort Lola."

"Wait till I get off from here and I will murder you."


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C37
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ