ดาวน์โหลดแอป
100% She's My Guy / Chapter 3: 3

บท 3: 3

Author's POV

Sa loob ng klase nagbubulong-bulungan ang mga classmate ni Jeff. Hindi sila makapaniwalang may magdadala pa ng bodyguard sa school nila. Yung iba rich dudes pero walang ganun kaya nagulat na lamang sila kay Jeff.

"Alam mo feeling ko spoiled brat yang si jeff.' Patsada ni Mitch kay Jenna na kapwa nakatingin sa grupo ng kalalakihan kung saan si Jeff.

"Hay naku, parang kahapon lang eh mukhang kinikilig ka nung makita mo siya." sagot naman ni Jenna.

"Anong kinikilig? Hindi no! Kahapon yun!" Inis pa rin siya kapag naiisip niya ang pagkatapak sa kanyang paa. Ni hindi man lang nag-sorry! Hinimas-himas niya ang kanyang paa na nakasuot ng sapatos. Feeling niya nandun pa rin ang kirot. Hmmp! Heels ba naman ng sapatos niya! Ang sakit nun ha! Grrrrrr! Gwapo sana kaso walang pakiramdam!

Patango-tango lang sina Kean, Ej, Nathan at Lucas habang nakikinig kay Jeff. Napagpasyahan na kasi ni Jeff na ibahagi sa kanila ang sitwasyon dahil nagbabasakali siyang makatulong sila sa kanya. Ngayong alam na ng papa niya na nag-rebelde siya isang gabi ay mas hinigpitan pa nito ang kanyang bantay.

"So paano yan pare, mukhang bantay sarado ka talaga." Ani Lucas

Tumayo siya sa harapan ng mga ito at nagkamot ng ulo. Maya-maya'y inilibot ang mga mata sa paligid. Nasa labas ng kanilang room ang kanyang mga bodyguards. "Kaya nga, kailangan ko ang tulong ninyo.

Nagkatinginan ang kanyang apat na magkakaibigan.

"Alam niyo may naisip ako pero ewan ko lang kung magugustuhan mo to Pare." Ani Ej na kanina pang malalim na nag-iisip.

"Ano?" Excited si Jeff na marinig ito kaya ibinulong ito ni Ej sa kanila para walang makarinig. Matapos itong marinig ay parang hindi sila sang-ayon sa ideya.

"Ano ka ba pare, that's totally disgusting!" bulalas ni Nathan.

Napaisip ng malalim si Jeff."Alam niyo, wala nang ibang option eh. "Game!"

Napatingin sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Nagulat sila sa sinabi nito.

"What?" ani Lucas.

"Kaya mo?" ani Kean.

"Yes, akala niyo hindi ko kaya.?" sagot niya saka sinulyapan ang mga bodyguards na nasa labas. Pagkatapos ay binulungan ang mga barkada ng kanyang nabuong plano.

Mukhang naintindihan naman nila ang nais ipabatid nito kaya agad silang sumang-ayon.

After the bell rang, they began to work on their plans. Nag-smile pa si Jeff kay Eric to pretend that he's not gonna make any more mess. Paglabas ng kanyang mga kaklase ay payuko-yuko din siyang sumabay sa mga ito. Nagsimula ng pasilip-silip si Eric sa room para siguraduhing nandun pa si Jeff. Trabaho nya at ng kanyang mga kasama na bantayan ito kaya nararapat lamang na pagbutihin nila ang kanilang trabaho. Ngunit, nagtaka siya dahil wala na doon si Eric.

"Itong batang to talaga." Naalala niya ang pagngiti nito sa kanya kanina.

"Naloko na naman tayo. Tara hanapin natin."   Kinuha niya ang cellphone upang tawagan siya. Bago pa siya makapagsalita ay pinangunahan na siya nito.

"Eric hintayin niyo ako sa labas. " at saka siya binabaan nito. Bakas sa mukha niya ang pagkainis dahil gaya ng dati maghihintay sila sa labas baka hindi na naman ito sisipot. Sobra silang pinagalitan ng tito ni Fred sa gabing iyon.

"O ito guys. Kunin niyo to."

Nasa loob ng backstage ang limang magkakaibigan kasama na dito si Jeff. Nagbulong-bulungan pa sila habang naghahanap gamit ang munting flashlight. Alas kwatro pa ngunit napakadilim dahil wala man lang kaunting liwanag ang nakapasok sa silid.

" O eto. "

Iba't ibang klase ng wigz ang kanilang kinuha. Nagbibiruan pa silang isinusuot ang mga ito at saka rarampa-rampa.

"Guys bilisan niyo baka abutan tayo ni Mang Nestor."

Si Mang Nestor ang isa sa mga maintenance personnel ng paaralan ay siyang naka assign na maglock sa mga importanteng silid.

"Bilisan natin. "

"O sakto na yan."

"Makakatakas ka na niyan mamayang gabi."

"Siguraduhin mo lang na makakapunta ka ha."

Matapos makakuha ay agad silang lumabas. Nagsitungo na ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang sasakyan. Pasenyas-senyas pa ang mga ito sa kanya.

"Sir. Ano po yang dala niyo." Nagtataka si Eric sa dala nitong itim na plastic. Upang hindi mahalata ay agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ahh wala ito. Sige tayo na."

Tandaan mo pare. Mamaya hihintayin ka namin sa labas ng gate niyo.

Kabadong-kabado si Jeff habang nire-recall ang mga sinabing ito ni Lucas. Alas dyes ng gabi, kailangan makaalis na siya. Hindi-hindi siya mapapakali hanggat hindi siya makakabas ng bahay. Pangiwi-ngiwi niyang tiningnan ang mga damit pambabae at ilang wig na kinuha nila ng mga kaibigan sa stockroom ng ng stage.

You want freedom? You want fun? NOW! Isn't it fun? Pabulong niyang kinausap ang sarili habang nagsimulang magbihis.

Komunsulta pa siya sa internet upang makita kung alin ang gagayahing hitsura.

Atlast natapos na rin ang kanyang attire. Kinuha niya ang cellphone at nag-record ng ilang pangungusap. Alas otso na. Hihintayin na lamang niyang wala ng ingay sa sala. Ibig sabihin tulog na ang kanyang tita Leila at tito Fred pero panigurado namang gising ang mga security guards kaya naisip.niyang perfect disguise ang kanyang ginawa.

Pink shoes, pink leggings with black skirt on top of it. Pink blazer with black sleeveless shirt beneath it. Black kinky-jinky styled hair at may malalaking eyeglass pa na tila baklang nerd na siya. Para hindi mahalata nagsuot pa siya ng pink cotton gloves para itago ang kutis lalaki. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita sa salamin. Ipinalabas niya ang kanyang dance.moves. Pansin niyang talagang hindi bagay na magkilos lalaki siya.

Sinilip niya ang labas ng bintana. Madilim na ang paligid. Agad siyang pumatong dito at unang inihakbang ang kanang paa. Unang-una nahirapan siya dahil nga sa kanyang kasuotan.

Nang marating na niya ang damuhan sa bakuran agad niyang tinawagan ang mga kaibigan sa mahinang boses.

"Pare.. malapit na ako. Ihanda niyo damit ko diyan."

"Sige pare, nandito na kami sa labas."

"O sige..."

Pagiling-giling pa siyang lumakad patungo sa harapan ng bahay. Hahaha nakakatawang iimagine.

"Hoy!"  Strong ang fiz ng mga security guards ng makita siya.

"Ay!"  [nag-aala babae]

Lumapit sa kanya ang dalawang security guards. Tila galit na galit ang mga ito. Palingon-lingon pa sa paligid habang lumalapit ang mga ito sa kanya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito."

Pinilit niyang sumagot na ala babae ang boses.

"Ayy sorry po. Alis na po ako.  Bukas po kasi gate kanina kaya pumasok po ako. Sorry po. Crush ko po kasi talaga si Jeff."

"Sigurado ka?"

"Opo, sige po alis na po ako." At agad siyang humarurot sa pagtakbo.

"Pare, ang tagal mo. Magsisimula na ang bonfire ngayon."

"Pasensya na pare."

Grabe ang pawis sa kanyang katawan. Hindi niya akalaing magagawa niya iyon.

Nagawa pa siyang bulahin nina LUcas.

"Pare, pwede ka bang mahalikan? Ang ganda mo."

"Shut uuuupp." Itinulak niya ang mukha nito.

"Akin na damit ko."

"O eto."

Napansin nila ang bag niyang dala-dala.

"Teka, anong laman niyan."

Namangha sila sa nakitang pares ng night shirt at pajamas ng buksan nito ang bag niya.

"Matalino yata to."

Ng maunawaan nila ang nais ipaunawa ni Jeff agad silang nagtawanan.

"You're so clever Jeff."

"I know right. Okey let's go."

"Okey. Yohowww!!!"


Load failed, please RETRY

ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ เขียนรีวิว

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ