NILIPAT niya ang pahinang binabasa bago sumulyap kay Eury. Napansin niya ang pagiging aktibo nito buhat kanina. Nauna kasi siyang pumasok sa loob nang sabihin ni Zedrick na maagang natapos ang training. Hindi niya alam kung bakit siya pinagtakpan nito. Ligtas na siya at dapat ay masaya sa pagsalba sa kanya pero kanina pa siya nababahala. Bumaba kasi ang kapatid niya at kinausap ang lalaki. Ilang oras din 'yon.
Kaya niya siguro ako pinilit na ihatid ay dahil sa kay ate. I didn't see that coming. But I can't deny the glow in their eyes. Could it be Zedrick, not Simon? She looked in the notebook and comprehended the context. Hindi niya na puwedeng isama sa listahan ng prospect si Zedrick. Siguro ay iyong varsity nalang o kung wala naman ng choice ay si Drake.
That night become usual. For sure her Friday is normal too. Not until Ken approached her during their lunch break.
"That's a nice name. I'm Sky." Tinanggap niya ang kamay nito para makipagkamay. Sa maikling oras nang kuwentuhan ay nakuha niya ang numero nito. Napansin din niya ang pagiging matured ng binata, lalo noong ipasara ang butones ng blouse niya.
She didn't expect that, though she thought him as challenging and new experience. Besides, Kevin supported her craziness. He is cool and open type of boyfriend. Susubukan niya naman ngayon ang striktong boyfriend.
Ken: Ang ibig mo bang sabihin ay tayo na?
Saglit siyang napaisip sa reaction ni Ken. Kakahingi nga lang naman nito ng number niya at hindi pa natatapos ang buong araw ay sinasagot niya na. She's in the Philippines not in Australia. The people here is quite conservative and doing everything slow. Katulad nang pagluluto ng Bulalo. Para lumambot ang laman ay kailangang pakuluan nang matagal, sa gayon ay lumasa at maging mas masarap. Kung sa pag-ibig naman ay kailangan niyang maghintay at obserbahan kung tunay ang pag-ibig ni Ken.
I need to follow that culture?
She mentally rolled her eyes and glanced on the wall clock. Ilang sipa nalang ng oras ay matatapos na ang klase at uwian na. Para sa kanyang mission ay hindi niya kailangang sundin ang nakaugalian ng mga tao rito. Hindi siya marunong maghintay.
Sky: Ayaw mo ba?
The bell rang. Sinabi ng guro nila sa huling subject na pag-aralan ang lesson nila ngayon at may quiz sa lunes. Idinagdag niya iyon sa reminder at sinilip ang reply ng future boyfriend niya.
Ken: So, tayo na? Puwede ba kitang makita mamaya? May practice ba kayo sa HBR Club?
Tinawag siya ni Paige. Nagalit ito kaninang umaga dahil sa ginawa niya kahapon. At syempre, nagalit din siya dahil napakawalang kuwenta ng arrangement kahapon. Hindi masayang maghintay sa wala.
Dumiretso sila sa Comfort Room para magpalit ng damit. Nang matapos ay doon palang siya nakapag-reply kay Ken. Iyon na rin ang oras niya para imbitahan si Paige sa lakad nila sa Rios De Rima.
"Tara na at babanatan pa natin 'yung baklang president ng HBR Club." Si Paige na nagiging hyper.
Tumawa siya sa sinabi nito. Parang kasi totoo, gusto niya sanang maniwala. Sinuot niya ang back pack at sumunod dito. "Let's wear bikini, okay?"
Siniko siya ni Paige nang makita sa 'di kalayuan si Ken. "Mukhang pumuporma na!"
Namangha siya nang makita ang ilan sa lower level na kababaihan ay sumubok na lumapit kay Ken. Hindi niya maipagkakailang bukod sa kanya ay may magkaka-interes dito. Magandang lalaki kasi ito at varsity pa ng eskuwelahan.
He ignored the ladies when he saw her. Tumayo ito mula sa pagkakasandal sa railing at lumapit sa kanya. "Ihahatid kita."
Muli siyang siniko ni Paige at bumulong, "Level up. Ihahatid na. Teka nga, game ako sa bikini. Mauna na ako. Dadaanan ko si Benny, may ipapabili kasi ako. Sumunod ka, Ulap."
Tumango siya pero nanatili ang tingin sa lalaki. Napansin niya kasi ang bolang hawak ni Ken. She remembered how boys who sexily spin the ball on their huge and thick finger in front of Violet. Mas gusto nito ang basketball player dahil matatangkad at malaki raw. At kapag mas malaki ay mas masarap. Hindi siya baguhan sa ideya ng mas malalim na ibig sabihin ni Violet doon. Kung minsan pa nga ay naiisip niya talaga ang kinukuwento nito pagdating sa kama. Lahat ng mas masarap at ibat ibang tricks.
Lahat ng iyon ay na-explore na ng hitad na dating kaibigan.
Sinulyapan niya ang gitnang bahagi ng daliri ni Ken. Nilapitan niya ito at walang kaabog-abog na hinawakan. "Do you know how to spin that ball using this finger?"
The sudden contact made the guy stiff.
Nagulat ito marahil, pero inignora niya iyon at umatras. Sinisimplehang ihanda ang cellphone para sa video. At syempre, pinananatili niya ang ngiting mapanukso na madalas makita kay Violet. Alam niyang may epekto sa mga lalaki ang ngiting ganoon. Boys will think she like an aggressive man.
"S-sure." Ken made a distance from her before he positioned his middle finger below the ball.
Pahaba at may katamtamang laki ang daliri nito. Ganyan din ba kalaki? Sumagi sa isip niya ang malalaki at parang bakal na daliri ni Zedrick. Was that mean? She snapped back and heave a long sighed. She pressed the ON button of the video when Ken starts spinning the ball. Why did he appeared on my dirty thoughts? Itinuon niya ang buong atensyon kay Ken. Mahirap pero sinikap niya.
Sa misteryoso at may appeal na anggulo niya kinuhaan ito. Hindi kita ang mukha para maging kapanapanabik at takaw kuryosidad.
Aliw na aliw siya sa iba pang tricks ni Ken. Kung hindi lang siya tinawagan ni Paige ay baka hindi na siya nakasunod sa HBR Club.
"Thanks, Ken. I'll text you when we're done."
Nginitian siya nito. Puno nang pagsusumamo at paggalang ang mga titig sa kanya. Hinigpitan din ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Halatang ayaw pang umalis. "Ingat ka. Bukas nalang," bulong nito
Pinigil niya ang pag-alis nito at hinila upang halikan sa pisngi. "Good bye." Kinawayan niya ito na parang walang nangyari. Habang ang lalaki naman ay namumula at gulat na gulat.
Tinakpan niya ang bibig para itago ang tawa. Kakaiba pala ang pakiramdam kapag ikaw ang may advantage. Ang pamumula ng lalaki ay patunay lang na gustong-gusto siya nito. Kakaiba talaga ang mga probinsiyano. Men were usualy slow and conservative. And she is polluting their kind.
Nawala ang ngisi niya nang makita kung sino ang tumikhim. Hinahatid ng tingin ni Zedrick ang papalayong si Ken. Sumisingkit ang mga mata nito at awang ang mga labi. Halatang nang-iinsulto.
Wala siyang masabi. Kahit linisin pa niya ang kanyang pangalan ay wala nang saysay. Nahuli na siya sa akto. Siguro'y iniisip nitong mapusok siyang klase ng millennials. Isa sa mga babaeng mabilis nakukuhanan ng bataan.