NAGPASYA na silang tapusin ang misyon at umuwi na ng Institute. Dahil wala na rin naman ang kanilang pakay, wala na rin silang dahilan pa para manatili sa grand ball.
Walang imikan sina Harris at Misha sa kani-kanilang upuan. Si Misha ay tulalang nakatingin sa labas ng bintana. Samantalang si Harris nama'y piniling umidlip na lang muna.
Nasa harapan din nila ang isa pang agent na kasama sa misyon—na abala ng mga sandaling iyon sa pagmo-monitor ng napakaraming computer at ibang aparato sa loob ng van.
"Sandali... May nasasagap akong signal!" pahayag ni Alex. Ito ang computer genius ng Viper Institute.
Agad namang naging alerto ang dalawa't halos sunggaban na ang lalaki para maki-usyoso.
"May naririnig akong mga boses mula sa voice recorder na ikinabit ni Misha sa target." Dali-dali nitong inabot sa kanila ang mga earphones na nakakabit sa computer nito upang marinig nila ng malinaw ang mga masasagap na boses.
Malalaki ang hakbang ni Loven patungong private office ng kanyang ama sa loob ng kanilang mansyon. Wala siyang ideya kung bakit bigla-bigla siya nitong ipinatawag samantalang alam nitong may mahalaga siyang pagpupulong na dadaluhan. Ngunit, natitiyak niyang mahalaga ang kanilang pag-uusapan.
"My son!" mariing bungad ng matanda nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Prente pa rin itong nakaupo sa harapan ng office desk nito habang nakaharap sa napakataas na book shelf—ito na rin halos ang nagsisilbing pader ng silid dahil sa dami ng libro'y wala ng natira pa para masilayan ang printed wall sa likod nito.
Sa naging bungad sa kanya ng ama, kahit nakatalikod ito'y agad niyang naramdaman ang mabigat na puwersang namamayani sa loob ng silid ng mga sandaling iyon. At hindi siya palagay doon.
"Dad... What's the matter?"
"Anong kalokohan ang pinaggagagawa mo, Loven?!" Galit itong humarap sa kanya't halos mapatid ang litid ng matanda sa lakas ng pagsigaw nito.
"Look! Look at this!" Sinugod siya nito't isinampal sa mukha niya ang hawak na mga larawan na labis niyang hindi inasahan.
At dahil sa galit ng kanyang ama'y agad niyang nasundan ng tingin ang mga nagkalat na larawan sa sahig upang alamin kung ano ang ikinagagalit nito ng lubos.
Dinampot niya ang isang larawan at napagtantong siya ang laman ng larawan. At kuha iyon sa mental hospital kung saan niya ipinagamot ang dating asawa.
"Pinasusundan niyo 'ko, Dad?!" May hinanakit na tanong niya sa ama. "All these time ginagawa niyo 'to? How could you—"
"At kung hindi ko ginawa iyon, ano? Ha? Patuloy mo pa ring susundan ang dati mong asawa ng hindi ko nalalaman! May balak ka bang magtraydor sa'kin, Loven?" supla nito sa kanya.
"Of course not, Dad! Paano mo naiisip ang bagay na 'yan?"
"Then, why are you still doing this? 'Di ba, ito naman ang gusto mo? Ang gumaling si Misha para kahit papaano'y mabawasan ang kunsensya mo't gumaan-gaan ang loob mo? Hinayaan kitang gawin ang bagay na 'yon dahil isinekreto mo 'yon sa kanya. Pero, ano pa ba ang gusto mo at patuloy mo pa rin siyang sinusundan ngayong magaling na siya? 'Wag mong sabihin sa'king umaasa ka pa ring magkakabalikan kayo?" Nakakaloko itong tumawa matapos ang mga huling salitang binitawan na tila isa iyong malaking pag-iilusyon para kay Loven.
"Dad, gusto ko lang alamin kung saan siya napunta dahil biglaan ang pag-alis niya sa rehabilitation center ng hindi ko nalalaman! That's all!"
"Why? Why, Loven? Pagkatapos mong malaman ay ano? Anong susunod mong gagawin?"
Hindi siya nakapagsalita. Wala siyang maapuhap na sasabihin dahil maging sa sarili niya'y hindi rin niya mabatid ang totoong dahilan kung bakit hindi pa rin niya magawang pakawalan ang dating asawa.
"Dad, wala na po akong ibang intensyon! I just wanna know she's safe. That's all!"
"Sana malinaw pa rin sa 'yo ang lahat, Loven. Don't ever dream of your story will twist once again. Alam mong hindi na magkakatotoo ang ilusyong iyan. At alam mo kung bakit! Kaya ngayon pa lang, putulin mo na ang lahat ng natitirang ugnayang meron pa sa inyong dalawa. Or else, isusunod ko siya sa mga magulang niya!" puno ng pagbabantang turan ng matanda.
"Dad! Leave her alone! Okay? Don't ever touch her! She has nothing to do with us anymore!" Pinakawalan na niya ang galit na kanina pa pinipigil. Ang pagbantaan nito ang buhay ng dating asawa'y sapat ng dahilan para umabot siya sa sukdulan ng kanyang pasensya.
"Yes. She has nothing to do with us as long as you stay away from her! Tandaan mo, Loven... Bali-baliktarin mo man ang mundo, oras na malaman niyang ako ang nagpapatay sa mga magulang niya, at oras na malaman din niyang all these time ay alam mo ang lahat since the very beginning, ikaw ang unang-unang taong kamumuhian niya! Ang divorce ang tumapos sa inyong relasyon at natuldukan na iyon doon! Pinapaalalahanan lang kita, Loven... Dahil mukhang nakakalimot ka na!"
Tila malakas na sampal sa kanya ang katotohanang iyon na naging bangungot na sa buong buhay niya. Ito rin ang patuloy na nagpapabigat sa kanyang loob. Ngunit, wala naman siyang magawa. Oras na kalabanin niya ang ama'y tiyak na madadamay si Misha. Kaya mas mainam na ang piliing kalimutan ito at ang kanyang pagmamahal para rito upang mapanatili ang kaligtasan ng nito.
Mahigpit na lamang niyang naikuyom ang mga kamay. At tanging ang mga luhang malayang dumaloy sa kanyang mga pisngi ang naiwang katibayan kung gaano siya nasasaktan sa mga pangyayari.
'You're a piece of trash, Loven! Wala ka talagang silbi!' lihim niyang pagalit sa sarili.
AT LAHAT NG USAPANG IYON ay malinaw na narinig ni Misha mula sa recorded voice na nasagap nila.
Nag-iwan iyon ng matinding sakit sa kanya. Ngunit, wala siyang ibang magawa ng sandaling iyon kundi ang tulalang lumuha. Nablangko ang utak niya pansamantala dahil tila hindi kayang tanggapin ng isip niya ang lahat ng mga katotohanang nalaman patungkol sa kanyang mga magulang. Napahigpit din ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay sa labis na panginginig sa galit.
Sina Harris at Alex nama'y tahimik lamang na nakikiramdam sa kanya. Walang may gustong bumasag ng katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan ng mga sandaling iyon. Pawang pareho rin silang nabigla sa mga nalaman. Ngunit, mas nakay Misha ang kanilang simpatya. Alam ng mga ito kung gaano kabigat at kasakit para sa kanya ang mga narinig. At wala silang maisip na paraan upang pagaanin ang loob niya.
Biglang pumiyok si Misha matapos ng ilang sandaling pagpipigil ng sarili. Hindi na niya kaya pang lumuha ng tahimik dahil pakiramdam niya'y sasabog na ang dibdib niya kapag nagpigil pa siya.
Kaya naman mabilis niyang kinabig ang pintuan ng van at nanakbo palabas nang sa wakas ay huminto na ito sa loob ng Institute compound.
Patuloy siyang nanakbo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hinayaan lamang niya ang mga paa kung saan siya nito dalhin sa kalagitnaan ng gabing iyon. At doo'y pinakawalan na nga niya ang malakas na pag-iyak. Sobrang sakit ng dibdib niya at habang lumilipas ang mga oras ay unti-unti nang tinatanggap ng kanyang utak ang mga rebelasyong nalaman.
"Aaaaaaahhh!" hiyaw niya sa kawalan. "Bakit? Bakit?!!!" Dahan-dahan siyang napasalampak ng upo sa semento. Pagkuwa'y mahigpit na niyakap ang nanginginig na mga tuhod.
Hindi lamang ang isiping may kinalaman si Loven sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ang labis na nagdudulot sa kanya sakit. Kundi, dahil patuloy pa rin niyang minamahal ang taong may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Hindi rin niya lubos akalaing magagawa ni Loven ang ganitong bagay sa kanya. Marahil nga'y mas mahalaga para rito ang ama kaya ito ang pinili ng lalaki kaysa sa kaniya at sa katarungan para sa kanyang mga magulang. At iyon ang lubos niyang hindi matanggap.
Buong akala niya'y simpleng car accident lang ang totoong ikinamatay ng mga magulang. Ngunit, ngayong nalaman na niya ang katotohanan, ang sakit na naramdaman niya noon ay nadoble pa ng ilang libong ulit ngayon. At wala siyang magawa kundi ang umiyak na lang.
...to be continued
— ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ — เขียนรีวิว