I.
Isa! Dalawa! Nasaan ka na?
Heto ako hinahanap ka
Hindi ka na kasi matanaw ng aking mga mata
Saan ka na kaya nagpunta?
II.
Tatlo! Apat! Nais na kitang mayakap
Alam kong nagkamali ako
Sana ay mapatawad mo
Pangako, ikaw lang at ako
Chorus 01:
Lima! Anim! Hindi ka pa rin bumabalik sa akin
Sorry na! Hindi ko na uulitin
Sana naman muli mo akong paniwalaan
Umaasang ako ay iyong babalikan
III.
Pito! Walo! Ako ay nagsusumamo
Na sana ay patawarin mo
Gagawin ko ang lahat
Upang muli ako ay maging karapat-dapat
Chorus 02:
Siyam! Sampu! Disyembre ika-sampu
Ang araw at buwan ng huli kitang nasilayan
Sapagkat labis kang nasaktan
Nang ako ay mahuli mong may ibang kalampungan
Bridge:
Disyembre petsa ika-sampu
Tumatakbo kang papalayo
Sa ilalim ng ulan habang luhaan
Sampung magagandang pangakong binitawan
Nasira lahat ng dahil sa paulit-ulit na kamalian
Reapet Chorus 01 and Chorus 02
— ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ — เขียนรีวิว