Makalipas pa ng ilang araw ay naka labas narin sa hospital si Martin dahil nga holiday season na medyo naging busy siya kasi yun yung peak season ng hotel nila at ganun din ako kasi nga dami naming support and project na kailangan ng budget.
"Sa hotel pala namin sa Manila gaganapin yung Christmas party niyo." Sabi ni Martin sa akin habang nagda-drive siya ihahatid na niya ako pauwi samin.
"Oo nga eh, sabi Boss Helen kanina!"
"So anong theme ng party niyo?"
"Maskareade daw!"
"May gown ka na?"
"Oo, yung gown na binili mo sakin nung opening!"
"Ha, luma na yun ah!"
"Ano ka ba isang beses ko pa nga lang yun nasuot paano yun magiging luma!"
"Kahit na! Nasuot mo na yun! Bukas sa Pad ko na ikaw matulog para pagkasundo ko sayo makabili tayo ng gown mo."
"Hon, no need!" Sabi ko sakanya habang sumandal ako sa balikat niya.
"Anong no need, I want my fiancee to be beautiful sa party nila."
"Hon, kahit di ak magsuot ng magandang gown maganda aprin ako!" Very confident kong sabi.
"I know that at walang duda yun kaya lang syempre I all the best for you!"
"I am fine don't worry!"
"Hon!"
"Please!" Sabi ko sakanya. Buo na kasi yung loob ko na di muna nga tumanggap ng mga metryal na bagay mula sa kanya at kung pweding iwasan ay iiwasan ko.
Di na siya sumagot at muling nag focus sa pagdadrive niya.
"Kayo pala kailang Christmas party niyo?" Pagsisimula ko ng bagong usapan.
"Sa December 20!" Sagot naman niya, mukang nakumbinsi ko na wag ng ipilit yung pagbili ng gown ko.
"Birthday mo yun ah!"
"Oo, sinabay na namin para isang gastos na lang!"
"Wow nagtitipid!" Pang-aasar ko sa kanya parang wala kasi iyon sa vocubulary ni Martin.
"Oo nagtitid ako ng oras! Lately kasi nagiging super busy sa mga event and mukang nakakalimutan ko na yung future wife ko kaya kung pweding less yung mga party ginagawan ko ng paraan. Isa pa ayaw mo naman kasi akong samahan sa ibang event bilang partner ko."
"Hon, di naman sa ayaw kitang samahan kaya lang kasi alam mo na medyo busy din kami plus alam ko naman na puro bussiness party yung pinunpuntahan mo at alam mo naman na ma-OP lang ako dun." Mula kasi nung lumabas siya ng hospital lagi na siyang pumupunta sa iba-ibang party ng kanilang mga business party at ayaw ko naman na maging flower vase lang ako dun at ayaw kong maka sagabal pa ko kay Martin.
"Hon, dapat masanay ka na sa mga ganun kasi bilang future Mrs. Martin Ocampo lagi na kitang makakasama sa event." Paliwanag niya sakin habang hawak sa palad ko.
"I know! pero sana pagkatapos na ng kasal mo ko obligahin sa mga ganyan ha!"
"Hays!" Buntong hininga niya.
"Hon!" Lambing ko uli.
"Okey Fine, pero siguro naman sa Christmas party namin sasamahan mo ko!"
"Oo naman! Birthday ata yun ng One and only ko!"
"Buti naman kung ganun!" Masaya niyang sabi kasi kahit papano meron kaming pinagkasunduan and speaking of birthday di ko naisip kung anong regalo yung ibibigay ko sa kanya kasi nga halos lahat ng material na bagay ay meron na siya at kahit anong isip ko walang pumapasok sa utak ko.
"Sunduin pala kita sa Sunday!" Muling sabi ni Martin.
"Bakit?"
"Need nating pumunta kay Zaida, may mga material na daw kasi na dumating para sa wedding dress mo kaya need mo ng pumili."
"Ah, okey! Text mo nalang ako!"
"Sige!" Sabi niya sakin sabay hinto ng sasakyan sakto naman na kasi na nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Di ka na baba?" Tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko yung seatbelt ko.
"Di na! Kailangan kong umuwi ngayon sa bahay!" Paliwanag niya.
"Okey, ingat sa pagmamaneho ha!" Paalala ko sabay halik sa pisngi niya pero di niya ako hinayaang sa pisngi lang humalik dahil agad niyang hinawakan yung likod ng batok ko at hinalikan niya ko ng French kiss.
"Ikaw talaga!" Reklamo ko.
"One day ang two nights tayong di magkikita kaya dapat mas matagal na halik gagawin natin." Paliwanag niya.
"Kung maka two nights and one day ka diyan napaka OA mo! Bukas Sabado tapos Lingo na kagad magkikita tayo uli, akala mo buwan na! Saka pustahan tayo mamaya lang pagdating mo sa bahay mo magrerequest ka nanaman ng video chat."
"Haha...haha... naman! Mahirap ng makalimutan mo yung muka ko!"
"Kahit kailang di ko makakalimuta yang napaka guapo mong muka kasi naka tanin na yan dito saka dito!" Sabay turo sa puso ko at utak kasi siya lang ang laging laman nun despite sa busy schedule naming dalawa.
"Ganun din sakin!" Sabi niya sabay halik sakin uli na agad ko namang tinugon ng punong-puno ng pagmamahal.
"Oh siya, sige na at mamaya di ka nanaman makaalis!" Sabay bitaw ko na sa leeg niya.
"Parang gusto na kita isama!"
"Tigilan mo ko Martin!" Sabay bukas ko ng pinto ng kotse niya mamaya kasi magbago nanaman ang isip niya at isama ako pabalik ang masaklap pa mamaya maisama pa ko sa ancestral house nila.
Sa totoo lang di pa ko muling nakakabalik doon at maliban sa hospital di ko pa uli nakaka harap yung parents and grandparent niya.
"Good Night!" Pahabol nya sakin.
"Good Night, I love you!"
"I love you too!" Ganting sabi ni Martin bago ko sinarado yung pinto. Pagtapat ko sa pintuan ng bahay namin ay muli akong yumuko para tingnan siya habang minamaneobra yung kotse niya at bago siya tuluyang umalis ay muli siyang nagbaba ng salamin at senenyasan akong pumasok na.
Kumaway muna ako bago binuksan yung pintuan ng bahay namin at saka naman siya umalis.
"Parang ayaw maghiwalay!" Pang-aasar ni Mike sakin na nasa may sala at nanunuod ng TV.
"Ganun talaga!" Sagot ko sakanya sabay bato ng trow pillow na naka patong sa upuan na mabilis namang niyang iniwasan.
"Ewan ko na lang kapag nag break kayo baka mamatay ka!"
"Panalangin mo!" Sabay irap ko sakanya.
"Huhu...huhu... di na ko magmamahal ang sakit ng ginawa mo sakin Christopher!" Pang-aasar sakin ni Mike yun kasi yung linya ko dati nung nagbreak kaming dalawa.
"Ah ganun!" Sabay lapit ko kay Mike habang hawak-hawak ko yung isang pares ko ng tsinelas. Pagkakita niya nun agad siyang kumaripas ng takbo paakyat, malamang nagtago na yun sa kwarto niya kaya wala akong nagawa kundi patayin na yung TV at umakyat narin.
Alam ko naman nag-aalala lang yun si Mike sakin kasi nga binubuhos ko na yung lahat ng pagmamahal ko kay Martin kung baga ALL-IN na!