ดาวน์โหลดแอป
87.5% The Mafia Next Door / Chapter 7: #TMND 5

บท 7: #TMND 5

#TMND

_______

"W-Wuy! Ano nangyayare?" Nag aalalang tanong ko kay Husher. Base sa tono niya kanina parang may hindi maganda nangyayare.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay kinausap niya ang driver.

"Drop her at the apartment."

Kunot noo akong napatitig kay Husher.

"A-Ano'ng nangyayare?"

Hindi niya ako pinansin. Tumigil ang sasakyan at binuksan 'yun.

"Don't you dare open your door? Okay?"

Hindi pa ako nakakareak ay agad niya ako hinalikan sa labi.

"Go."

Tulala akong tumango at sumunod na lang. Nang makalabas ako ay agad na umalis ang kotse at ako naman ay napapakurap.

B-Bakit niya ako hinalikan?

Tulala akong pumasok sa apartment hanggang sa elevator. Parang nakalimutan ko ang iniisip ko kanina. Ngunit nawala ang pagkatulala ko nang makakita ako nang mga kalalakihan na kakapasok lang sa building bago maisara ang elevator.

Ano 'yun?

Nanlaki mata ko nang marealized ko. Andito nanaman sila!!!

Mabilis ko pinindot ang floor ng room ko. Nagpapasalamat ako na agad ako umabot doon. Mabilis ko isinara ang pintuan nang makapasok ako sa kwarto ko.

Napasandal ako habang hawak hawak puso ko. Hindi sa OA ako pero iba kasi awra nila. Para silang sasabak sa gyera eh.

Aakmang tutungo ako sa kama nang makarinig ako ng mga tapak na sapatos sa labas.

"Don't you dare open the door."

Nakagat ko ang labi ko at pinakinggan ang mga kalalakihan sa labas. Sure ako sila nanaman ito. Ano ba hanap nila dito ha? Nabibweset na ako.

"He's not here."

"You are mistaken. He's here."

Nagulat ako nang magsalita sila. Agad ko inilapit ang tenga ko sa pintuan.

"He's hiding I am very sure."

He? Sinong he?

"Why don't we go to their pla—"

"Gusto mo magpakamatay?"

Nanlaki ang mata ko. Pilipino sila?

"Yashinski is powerful. Bakit hindi nalang natin isahan na patayin siya?"

Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko sinasabi nila?

Patayin? Sino?

"Baka ikaw pa patayin ni Lucius kapag inunahan mo siya." Aroganteng sabi ng isa sakanila.

Hindi ko mabilang kung ilan sila pero sigurado akong madami sila. Ngunit sino tinutukoy nilang patayin?

"Tsk tsk. He's hiding very well."

"Boss! Boss!"

"What?"

"Gusto ka kausapin ni Lucius."

"Boss.."

Mas lalo ko inilapit ang tenga ko sa pintuan baka sakaling marinig ko pag uusap nila pero wala akong marinig. Sa phone sila nag uusap sure ako. Pero gusto ko malaman kung sino si Lucius? Nacucurious ako.

"Opo boss. Kami bahala sa mga tauhan mo."

Iyon lang narinig ko sa sinabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Tauhan..

Ano ba sila?

"Ano daw sabi ni boss?"

"Inubos ng mga Ellsworth mga kasama natin. Andito rin mga tauhan nila."

Napakapit ako sa binti ko. Bakit pakiramdam ko may masamang nangyayare sa mga taong nakapaligid sa akin?

Husher...

"Tama nga hinala ko. Hindi naman uubusin ng mga Ellsworth mga kasama natin kung wala dito ang hinahanap na 'tin."

"Hah."

"Let's go. We don't have much time. Kapag hindi pa natin mahuli si Husher, tayo ang papatayin ni Martin."

Agad ko narinig ang mga tapak nila sa sahig paalis. Napaupo ako. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ibig sabihin si Husher ang hanap nila? Si Husher ang punta nila dito all this time?

Si Husher ang papatayin nila?

Bakit?

Hindi ko namalayan ay kanina pa akong natulala sa sahig. Napapikit ako at kumalma.

Walang mangyayare sa'yo Laila. Okay? Wala kang narinig.

Pero

Sino sila? Sino si Lucius? Yashinski? Ellsworth? Martin? Ano nangyayare? Bakit nila kailangan hulihin si Husher?

Ano nagawa niya?

Napahiga ako sa kama habang napapaisip sa mga nangyayare sa paligid ko. Nakatitig lang ako sa kisame. Hindi ko alam kung ano uunahin ko. Sabihin kay Husher ang mga narinig ko o tanungin siya kung anong klaseng nilalang sila?

O baka naman.. tanungin siya bakit siya papatayin ng mga humahabol sa kanya.

Napabangon ako nang may kumakatok sa pintuan. Agad ako kinabahan. Hindi ko muna binuksan dahil naalala ko sinabi ni Husher.

"Laila.."

Nawala ang kaba ko nang marinig ko boses ni Husher. Agad ko ito binuksan at nagulat ako sa ekspresyon niya na sumalubong sa akin.

"I think you already know.." Blankong sabi niya.

Na ano?

"I can't let you go knowing that you already know me." Seryosong aniya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa kanya.

"I am not... ordinary person." Pag aamin niya.

Umiwas ako nang tingin at pilit na binabawi ang kamay ko mula sa kanya.

"B-Bitawan mo ako.."

Humigpit ang kapit niya sa akin. Kahit natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mga mata ay ramdam ko pa rin ang mga matitigas niyang titig sa akin.

"I... I was mafia boss in my own organization and I have killed someone from powerful organization as mine."

Nagulat ako sa sinabi niya "A-Ano?"

Huminga siya nang malalim. "And they want to kill me.. Laila"

Napaigting siya. "And...this is normal for me.."

Nakagat ko ang labi ko at pilit na tinulak siya. "Wag mo ako idamay dito." Malamig na sabi ko sa kanya.

Ayaw ko sa gulo at mas lalong ayaw kong nababantaan ang buhay ko. Isa lang akong normal na tao at ayaw ko sa mga ganyan klaseng nilalang. Nakakarinig na ako ng mga gang gang na 'yan at alam kong wala silang puso kung pumatay ng mga tao.

Hindi ko na matignan si Husher sa sinabi niya ngayon. Hindi ko maintindihan sarili ko bakit parang nadisappoint ako sa kanya. Gaya nga ng sabi niya hindi siya basta bastang ordinaryong tao.

"Nadamay ka na dito Laila.."

Natigilan ako.

"Ano ibig mong sabihin?" Galit na tanong ko sa kanya. Kailan ako nadamay? Anong ginawa ko?

"Nadamay ka na simula nang sumama ka sa akin."

Napakunot noo ako. Agad niya ako hinila palabas bago ako makapagsalita.

"You are mine now. Nasa akin ka na. Kaya kailangan mo lumipat sa akin."

________

Pietro's POV

Malakas kong sinapak ang putanginang lalakeng nakaupo sa harap ko. Agad ko hinablot ang baba nito at mablankong tinitigan ito.

"Sino nag utos sainyo?" Malamig na tanong ko pero ang gago tumawa lang.

"Sarili ko bakit?" Ngisi niya

Pero bago pa siya tumawa pa ay sinuntok naman siya ni Alessio.

"Wala kaming pake sa sarili mo bobo ka. Sagutin mo tanong namin!" Galit na sigaw ni Alessio.

Napaubo ito at tumawa nanaman.

"K-Kayo ang bobo!" Aniya sabay tawa habang umuubo ng dugo.

"Aba't!"

Agad ko pinigilan si Tommaso. Pakiramdam ko may ibang pinaparating ang hayop na 'to.

"A-Ang tatanga niyo! Tatago na nga lang ang boss niyo dito pa talaga sa pinas!" Tumawa ito ng malakas habang umaalingawngaw ang boses nito.

"Wag mo ako pigilan Pietro! Papatayin ko 'yan!" Hindi ko na napigilan si Tommaso at agad na binaril sa ulo ang lalake.

Agad nangisay ang katawan ng lalake hanggang sa wala na itong buhay. Napabuntong hininga ako.

"Bakit mo agad pinatay?" Simangot ni Manuel kay Tommaso.

"Nakakabadtrip eh."

Napaupo ako at napahawak sa sintinido ko. Akala ko titigil na sila sa kakahabol saamin pero tangina. Hanggang ngayon hindi pa rin pala sila nakakalimot.

"Iba ka rin mabadtrip nuh?" Sarkastikong pahayag ni Alessio.

"Kahit ano pang gawin natin hindi 'yan aamin.." Sabi ni Tommaso."Sureball akong galing 'yan sa pinakakaaway natin dati."

Napapikit ako. Sumasakit ang ulo ko. Hindi pwedeng sila ang nag utos na patayin si Boss pero posibleng sila nga pero bakit?

_______

Manuel's POV

Pinagmamasdan ko ang lalake habang ang mga kasama ko ay nagtataka kung bakit inatake kami ng mga kalalakihan sa eskwelahan. Taena nagkagulo pa kanina dahil ang mga estyudante masyadong magulo at nagpapanic.

"Anong sasabihin natin kay Boss?" Tanong ko sakanila.

Mukha silang mga nadedepressed hahahaha nyeta. Kahit ako hindi ko rin alam gagawin ko kapag hindi pa umamin ang lalakeng 'yun. Baka gawin ko rin ang gawin ni Tommaso kanina.

"Tauhan yan ng mga Yashinski."

Bigla nagsalita si Samuel. Nagulat ako sa sinabi niya. Yashinski?

Nagulat rin ang iba. Napamulat si Pietro at nagulat din.

"Yashinski? Akala ko ba kinalimutan na nil—"

"Sino makakalimot sa pagpatay ng boss nila? Sympre gaganti yan." Singit ni Alessio.

Tama siya. Hindi sila basta basta uurong kapag ganun. Ngunit pano nila nalaman na nandito si Boss?

"Kaya nga nagtatago si Boss eh." Dagdag muli ni Alessio.

Alam ko 'yun ngunit bakit ngayon lang sila umaksyon?

"Wag kayo mag aalala. Hindi nila basta basta mapapatay si Husher.." Kalmadong sabi ni Samuel.

Bahagya akong napatango. Tama siya. Matinik lang sila pero mas madiskarte kami. Matagal na namin pinprotektahan si Lider tapos ngayon lang sila aatake? Baka sila pa maging bangkay dito eh. Naku lang.

________

Updated.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C7
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ