AN: Ito na ang ating si Haring Ahraw. 😂 mag-enjoy lang ako at kiligin sa kanila. At salamat po sa inyo.
---------------------------------------------------------------------------
Boss Ahraw
Galing kami ni Gary at ng mga tauhan ko sa cavite, dahil may ka-transaction kami doon. Naisipan kong dumaan saglit sa Villa rosa village, kung saan doon mga nakatira ang fighters.
Kasama ko ngayon sa iisang kotse si Gary at siya ang nagmamaneho, napansin ko na parang may sinisilip siya sa loob. Hinihintay kasi namin na buksan ang gate ng guard.
"Boss! Kayo pala," bati agad sa akin nitong si Manong Randy.
Pansin ko ang pagkabalisa niya kaya nakaramdam ako ng kakaiba. Habang pumapasok ang kotse sa loob, mas lalo akong nagkakaroon ng kaba sa dibdib.
"Parang wala ata 'yung ban dito, Boss?" Mahinang bigkas ni Gary.
Napakunot naman ang noo ko, sumulip ako sa labas ng malawak na bakuran. Hindi pa nai-papark ni Gary ang kotse mabilis na akong lumabas, patakbong pumasok ako ako sa kabahayanan. Napansin ko ang agad ang katahimikan dito sa loob, umakyat ako sa itaas diretso sa kwarto ni Jessy. Walang taon, muli akong bumaba.
Pagbaba ko nakita ko si Manong Randy hindi mapalagay.
"NASAAN SILA!?" galit na sigawna tanong ko sa kanya.
"B-boss, u-umalis sila. Na-nagpunta sila sa bar, sabi ko nga baka dumating kayo at abutan na wal-"
"Putangina mo! Gago! Hindi ka binabayaran dito, para sumaway sa ipag-uutos sa'yo!" Gigil na gigil na salita ko habang nakatutok ang baril ko sa ulo niya.
"Boss! Huwag naman, mapilit kasi si Danica kanina boss." Paliwanag pa nito at naiiyak.
"Boss! Nandito na sila," bungad ni Gary sa may pinto.
Binaba ko ang baril ko at mabilis na lumabas, nanginginig pa rin ang kalamnan ko ngayon.
Pagpasok pa lang ng ban, lumakad na ako palapit dito. At kahit umaandar pa ito puwersahan na binuksan ko pa-slide ang pinto, hindi naman naka-lock kaya nabuksan ko agad.
Gulat na gulat ang rumihistro sa mukha ni Andrea at Helga na nasa unahan. Hindi ko naman nagustuhan ang mga itsura nila, pansin ko na mga lasing sila. Bakas rin sa kanilang mata ang pag-iyak kaya naman nagtaka ako.
"BABA!" sigaw ko sa kanila, isa-isa naman silang naglabasan.
Nakahelira sila ngayon sa harapan ko, si Danica na halos mahubad na ang suot na damit. Si Helga at Andrea na nakayuko pareho at magulo rin ang suot nilang damit. Habang si Eveth naman ay nakayuko lang, pero 'yung isa ang wala dito.
"Nasaan si Jessy?" pigil ang galit na tanong ko sa kanila. Pero wala ni isang sumagot sa kanila.
Napansin ko naman si Gary sa likuran ko. "NASAAN SI JESSY!" Malakas na sigaw ko sa kanila na kinagulat nila at bigla na lang umiyak si Danica.
"Boss... Na-naiwan si Jessy," umiiyak na sagot ni Danica.
Napahigpit ang hawak ko sa baril. "Gary, hanapin niyo si Jessy!" Sigaw na utos ko, mabilis na kumilos si Gary.
Binalingan ko naman silang apat, na niningkit ang mata ko sa galit. "Anong sinabi ko sa inyo, Ha!? Tangina niyo! Gusto niyo na ba talagang mamatay?" Nanginginig ang mga kalamnan kong salita sa kanila.
"Boss, patawarin mo kami. Hindi naman namin akalain na--"
"TANGINA! DANICA!" dinaklot ko ang leeg ni Danica, halos mamula na ang kanyang mukha dahil sa higpit na pagkakasakal ko.
Napaatras naman sila Eveth at Helga, pati si Andrea na bakas ang takot.
------
Nakapagpigil ako na huwag pumatay kanina, dahil kating-kati na talaga akong pumatay ngayon. Habang nagda-drive ako hindi ko maiwasan na hindi panginigan ng laman. Malikot ang mata ko sa daan dahil nagba-bakasakali na makita ko agad si Jessy, lahat ng lugar na posibleng dinaanan nito 'ay pinuntahan ko.
Mas lalo naman akong nakakaramdam ng inis dahil hindi ko pa rin nakikita si Jessy. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko.
"Boss! Hindi pa rin namin nakikita si Jessy," sagot ni Gary sa kabilang linya ng sagutin ko ito.
"Huwag kayong titigil, Gary." mariin na salita ko at pinatay ko na ang cellphone.
Alam kong hindi pa nakakalayo si Jessy dahil kararating lang ng sinasakyan nila Eveth. Pero naiinis ako dahil hindi ko pa rin siya nakikita at ito ang ayoko 'yung natatagalan ako sa hinahahanap ko.
Pinasok ko ang kotse ko sa makipot na daanan dahil nagba-bakasakali ako na makita siya dito. Lingon ako ng lingon kung saan hanggang sa mapalingon sa unang kanto na nadaanan ko, nakita ko agad ang isang tao na kanina ko pa gustong makita.
Habol ang hiningang gulat na gulat ang rumihestro sa maamong mukha ni Jessy pagkakita sa akin. Titig na titig siya na halos hindi kumukurap ang dalawa niyang mata.
Bumaba ako agad ng kotse dahil nakita ko sa di-kalayuan ang apat na lalaki. Nilabas ko agad ang baril ko dahil kanina pa ako kating-kati na makapatay.
Tulala lang na tiningnan ako ni Jessy ng pumunta ako sa sa tabi niya, nilingon kong muli ang mga lalaki dahil malapit na sila. Sunod-sunod na pinapatukan ko sila kahit pa bigla silang umatras at tumakbo. Tatlo ang tinamaan ko nakaligtas ang isa pero wala na akong pakialam sa nakaligtas.
Matapos 'yun walang anu-ano'y bigla kong kinabig paharap sa akin si Jessy at dinala sa dibdib ko. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ang tagal bago siya nakita, halos pigain ko ang katawan niya sa subrang higpit ng yakap ko. Ngunit wala akong narinig na pagtanggi sa kanya, alam kong hindi siya makapaniwala na nandito ako sa harapan niya ngayon.
"I'll kill everyone, makita lang lang kita." mahinang usal ko sa may punong tenga niya.
"A-a... B-boss," narinig ko na sambit niya.
Nilayo ko ang katawan niya at pinakatitigan ang mukha niya na puno ng pawis. Hanggang sa bumaba ang mata ko sa labi niya na mamula-mula, hindi ko alam pero kusang bumaba ang labi ko sa labi niya na nakaawang.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Jessy sa braso ko. Hinayaan ko lang dahil mas gusto ko ngayon ang ginagawa ko, hindi mo lang alam kung gaano ako nag-aalala sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyari sayo...
-------
Tahimik na kami sa loob ng kotse, pansin ko na parang malalim ang iniisip niya. Gulo na buhok niya nanlalagkit na rin ang kanyang pisngi dahil nangingintab na ito sa pawis.
"Punasan mo mukha mo," abot ko sa kanya ng panyo ko.
Atubili na kunin niya ito, dahan-dahan na kinuha niya ito at pinunasan ang mukha niya. Sa totoo lang hindi ako mahilig magdala ng panyo, ngayon lang naisipan ko.
"Sandali saan tayo pupunta?" Narinig ko na tanong niya.
Napalingon naman ako sa kanya dahil alam ko na dito magsasalita na siya. Iba kasi ang daan na tinatahak ko ngayon, papunta sa condo unit ko. Hindi ko siya sinagot nagpatuloy langa ko sa pag-drive.
Muli naman siyang natahimik at tinuon ang atensyon sa labas ng bintana.
To be continued....
🔫 Black_Moon301