"Medyo weird lang yung layout nito..." Comment ko kay Justine nang tumawid kami pa-P. Tuazon papunta sa bagong mall na Spark Place ang pangalan. Maliit lang iyon, lobby lang para sa call center na nasa itaas. May mga fast food din at supermarket sa baba.
"Ano kaya kung mag-apply ako sa Concentrix?" Biro niya nung nakita niya yung poster sa pader.
"Ako nga stressed na stressed sa trabaho ko, diyan pa kaya na call center talaga?" Sabay tawa ko. "Saka sayang naman pinag-aralan mo kung diyan ka lang naman. Nag-MS ka pa."
"Ikaw talaga, masyado kang seryoso kahit kailan." Reaksyon niya habang paikot-ikot lang kami sa loob. Wala pa masyadong bukas na stalls, pero may isang bukas na spa at parang tempted akong magpa-masahe kasama siya.
"Di ba malapit lang dito yung Spada?" Napa-taas ako ng kilay.
"Bakit, nakapunta ka na doon?"
"Gusto ko man...hindi." Sabay ngiti niya sa akin na parang may meaning. "Ikaw ba?"
"Nasubukan ko na yung linggam massage doon."
"Puta ka...kadiri! Huwag mong sabihing nagpa-hawak ka doon sa masahista nila?" Gulat niyang reaksyon.
"It's for research purposes, dude. Kailangan ko ng masusulat for Wattpad. Sabi nga nila, don't write what you don't know. So sinubukan ko lang." Pagtatanggol ko. "Saka mahal. Nagsayang lang ako ng pera."
"Magkano ba...with all the extras?"
"Mga 2,000." Pag-amin ko.
"Dapat kumuha ka na lang ng callboy sa Aurora kung ganun!" Sabay tawa niya. Tama nga naman, mas worth it naman siguro yun. Pero di ko rin maiisip gawin iyon kahit kailan. Di naman ako desperado, saka may kamay naman ako.
Dahil siguro sa umay nag-aya siyang bumili kami ng ice cream sa Familymart. Green Tea sa akin, Blueberry naman sa kanya. Medyo epic fail pa nga dahil muntik nang mahulog yung twirl sa sobrang taas ng ginawa ko.
Umupo lang kami sa tabi ng bintana. Para bang pagod na siguro siya sa small talk na kanina pa namin ginagawa kaya sobrang focused siya sa pagkain ng ice cream. Bawat subo niya, para bang may iniisip siya o gustong sabihin na di niya masabi sa akin. Halata ba sa mukha niya na parang may gusto siyang pagusapan, may gusto siyang itanong.
Kanina ko pa sinusubukang iwasang pag-usapan yung mga sensitive na bagay. Pero naisip ko din, there are times that you have to ask the tough questions kung iyon lang ang paraan para makapag-move-on ka. Kapag naipon iyon sa puso mo, mabubulok lang at baka magka-cancer ka pa.
Ang dami kong gustong itanong, o sabihin na nating gusto kong itanong pero di ko ma-translate sa mga salita ano ba talagang gusto kong malaman.
"Baka iniisip mo galit ako sa iyo..." Sabi niya habang busy pa rin sa pagubos ng ice cream na hawak niya.
"Bakit mo naman naisip iyan?"
"As if di ko alam paano ka mag-isip ano..." Totoo nga naman. "Siguro iniisip mo ikaw may kasalanan kung bakit nagka-HIV ako. You don't have to think like that, kasi mas lalo lang akong naguguilty."
"Bakit ka naguguilty?"
"Kasi I know for myself that somehow, I'm at fault with all that happened to me, na hindi ako nag-ingat, na nagpabaya ako. Yung tipong di ko sinunod yung mga taong close sa akin, tapos ngayon feeling nila nag-fail sila sa akin."
Hindi ko rin alam paano ko siya sasagutin, kasi baka may masabi pa akong lalong magpa-upset sa kanya.
"Nung nalaman mong positive ka, anong naramdaman mo?" Tanong ko para malihis lang yung usapan.
"Sa school kasi ako nagpa-test, so nagpa-ikot-ikot ako sa oval, tulala, in denial. Inisip ko, paano na ako? Paano na yung family ko, yung mga friends ko, yung mga taong close sa akin?" Sagot niya na parang nagpipigil nang umiyak. "And honestly, ang naisip ko, ikaw, nag-worry ako bigla sa iyo kahit alam kong negative ka naman. More like, paano na yung promise natin sa isa't isa?"
"Ganun din naman ako nung nalaman ko..." At di ko na mapigilang mag-share sa kanya. "Nakatulala ako nun. Di ko atang magawang mag-Facebook ng isang linggo. Alam mo iyon? Inisip ko, sa lahat ng tao, bakit ikaw pa? May nagawa ba akong mali, karma ba 'to or what? Medyo exagg lang pero di ko mapigilan kasi alam ko, mahirap. Kung ako ikaw, sigurado di ko kinaya. Baka nagpakamatay na ako."
"OA ka naman." Iyak-tawa niyang reaksyon sa drama ko.
"I mean, nakaya kong na-bully ako, bumagsak ako sa course, pero yung situation mo? Sorry ha, di ko alam. I mean, saan ka kumukha ng lakas?"
"Di naman ako ganun katapang. Minsan iiyak na lang ako, saka naisip ko na ring magpakamatay. Each day is a struggle pero alam mo iyon, life goes on. Minsan ka lang mabubuhay. Saka kapag nawala ako di ko makakasama pamilya ko, mga friends ko, di ako makakapag-PhD, di na kita makakasama. Para bang sinabi ko na rin na panalo na si HIV."
"Na-flatter naman ako dun sa 'kasama ako'."
"Bakit, totoo naman. Kaunti lang naman nakakaintindi ng situwasyon ko. Saka kahit naman ganito ako it doesn't mean that my role in your life hasn't changed. Kuya mo pa rin naman ako, kaibigan mo pa rin naman ako. Di ba?"
Tama nga naman siya. That moment sobrang tempted na akong itanong yung question na iyon - kung mahal pa ba niya ako. Pero siguro takot lang din ako na kung ibabato niya yung tanong sa akin pabalik, di ko masasagot ng oo o hindi. Ang daling sabihin oo, pero yung strings attached yung mahirap. Kung noon lang sana nagkaroon ako ng tapang na lumabas ng cabinet at ipakilala siya, hindi magiging kasing-complicated ngayon.
Yung mga couples na HIV-positive sila pareho o yung partner nila, hanga lang ako kasi ang hirap ng situwasyon nila. Ang hirap na nga na same-sex couple kayo, dumoble pa yung stigma dahil sa HIV. Saka yung feeling na parang walang peace of mind - di niyo magawa yung nagagawa ng normal na mag-syota. Yung uncertainty, yung takot na baka mawala na lang yung HIV+ partner mo, yung makita siyang nahihirapan. It takes a lot of courage, sacrifice, patience and understanding for these people to survive.
"Tell me..." I was trying to get myself composed habang iniisip ano ba talaga gusto kong itanong sa kanya. "...what shall I do to make you feel fine?"
Hindi ko rin nagawang itanong yung mas dapat kong tinanong.
"Wala naman." Sagot niya. Hindi rin niya sinagot ang inaasahan kong sagot. "Being there is enough. I know pareho tayong busy, and di naman na ako ka-clingy, I understand. We can meet sometime, basta pareho tayong free. Saka mag-reply ka naman sa Facebook, ha? Lagi na lang akong seen-zoned!" Sabay tawa niya. Yung tawang parang walang pinoproblema sa mundo.
In the end, naisip naming umuwi agad at baka kung ano pang mapagusapan namin. Sa jeep pa-Philcoa, nakatulog na lang siya dahil siguro sa pagod, yung ulo niya napapa-sandal sa balikat ko. Gusto ko sanang haplusin siya at bulungan na ayos lang ang lahat, pero alam kong hindi siya magiging okay talaga. It's something I learned not to say to people who are sick or in mourning kasi nagmumukha ka lang ipokrito.
"Tine, nasa Philcoa na tayo..." At saktong naalimpungatan siya bago kami bumaba sa jeep.
"Text na lang kita kung kelan tayo ulit mag-meet..." Sabi ko sabay paalam sa kanya.
"Sige, ako naman manlilibre sa iyo." At kumaway na kami palayo sa isa't isa. Naiwan na lang ako sa dagat ng mga tao sa Philcoa, nag-aabang ng jeep pauwi at nag-pipigil ng emosyon.
At bigla na lang may nag-text sa akin. "Parang ayoko pang umuwi." Nandoon siya sa McDonalds, nakatambay na parang tanga.
"Gusto mong manuod ng anime?" Aya ko, sabay lapit niya. Saktong dating ng jeep na papuntang sa amin.
#Pagtatapos#
— จบบริบูรณ์ — เขียนรีวิว