Chapter 1962: Ang Tunong ng Masamang Kapalaran na Nakatok sa Iyong Pinto (13)
"Yeah, bata pa sila… hindi pa namin sila kayang iwanan." Ang ngiti ni Huo Mian.
"Dad, anong meron sa iyo? Tatlong taon pa lang sila, paano mo nagawang tanungin sina Mian at Chu na iwan muna sila dito…" Napansin ni Qin Ning na sobra na ang mungkahi ng kanyang ama.
"Ano ang mali doon? Parang kaya na naman nila ang kanilang sarili, hindi mo kailangan na mag-alala… Wala namang nangyari kahit na umalis sila ng mag-isa…" Hindi inaasahan na madulas ang tito ni Qin Chu.
Agad itong napansin ni Huo Mian, sumimangot at nagtanong, "Umalis sila ng sila lang?"
Nagbago ang itsura ng kambal at tumingin sila kay Qin Ning para humingi ng tulong.
Agad itong sinubukang pagtakpan ni Qin Ning, "Ah, ito kasi ang nangyari. Kaninang umaga, gusto nilang lumabas pero mag ginagawa ako. Tinanong ko ang mga tagabantay na baka maaaring bantayan sila at kaunin kapag tapos na ako."