"Ang bata kong amo… ilang taon ka na ba sa entertainment industry, hindi mo pa ba nakikita ang kadiliman nito? Kailangan ko pa ba ito ipaalala sayo? Kailangan ay lagi kang mag-ingat sa iba. Ang pagpunta mo sa South Side ay isang top secret, at kapag may nagsulat tungkol dito, baka matapos ang career mo bilang superstar…"
"Alam ko."
Pagkatapos ipagmaneho ni Huo Mian si Ni Yang pabalik, 9:30 AM na siya nakauwi.
Kailangan magtrabaho ni Qin Chu sa opisina niya kaya hindi pa rin ito bumabalik. Ngayon, dalawang araw na niyang hindi nakikita si Qin Chu at halatang namimiss niya ito nang sobra.
Nung kukunin na niya ang phone niya para tawagan ito, nagsimulang magring ang phone niya; si Qin Chu ay nagrerequest na makipagvideochat sa kanya.
Tinanggao ni Huo Mian ang tawag at malambing na ngumiti. "Hello, Mr. Qin."
"Nakaalis ka na sa trabaho?"
"Oo, kababalik ko lang."
"Bakit late ka na nakauwi ngayon?"