Para matupad ang pinaplano ni Qiao Anhao, hindi pwedeng makahalata si Lu
Jinnian kaya pagkauwing pagkauwi niya, dumiretso siya kaagad sa CR para
itapon ang mga naiwan niyang pregnancy test kits. Pagkatapos, kinuha niya
naman ang resulta na galing sa ospital, pero sa tagal niyang naghalughog sa
buong kwarto, hindi niya talaga alam kung saan niya pwedeng isiksik ang mga
ito kaya noong nawalan na siya ng pagpipilian, dahan-dahan siyang lumuhod
para itago ang mga ito sa ilalim ng kama, at sakto, may nakita siyang isang
pamilyar na kahon.
Bigla siyang natigilan bago siya yumuko ng mas mababa pa konti para kunin ito.
Pagkabukas niya ng kahon, bumungad sakanya ang isang lumang pera, isang
plane ticket, isang train ticket, at isang envelope na kulay light blue na punong-
puno ng maliliit na kulay rosas na puso.
Noong huling birthday ni Lu Jinnian, plinano niyang isurprise ito kaya para
maitago ang regalo niya, isiniksik niya muna ang kahon sa ilalim ng kama. Pero
hindi nagtagal, may nagsabi sakanya na pinalaglag nito ang anak nila kaya sa
galit niya, nagdesisyon siyang lumayas, at dahil magulo na ang isip niya noong
oras na 'yun, nakaligtaan niya na ang kahon.
Kung hindi siya sumalampak sa sahig ngayon para sumilip sa ilalim ng kama,
maalala niya pa kaya ito?
Masayang pinagmasdan ni Qiao Anhao ang mga itinabi niyang gamit sa loob ng
kahon, at bandang huli, nagdesisyon siya na dito na rin itago ang mga
pregnancy test kit na ginamit niya at ang resulta na galing sa ospital. Nang
masiguro niyang nakasalansan na ng maayos ang lahat, masaya niya itong
tinakpan at muling yumuko para ibalik ito sa ilalim ng kama.
-
Pagkabalik ni Xu Jiamu sa Su Yuan apartments, naabutan niya si Song Xiangsi
na nakasuot ng apron at nagluluto sa kusina.
Studio type ang klase ng apartment kaya habang nagtatanggal siya ng sapatos,
kitang kita niya ito kaagad na may hawak na kutsilyo habang naghihiwa ng
pipino, na halatang hindi marunong.
Nakabukas naman ang exhaust fan, pero hindi niya maintindihan kung bakit
punong puno pa rin ng usok ang buong kwarto kaya noong silipin niya ito, nakita
niyang nakatakip ito ng bibig habang umuubo. "Nakauwi ka na? Maghugas ka na
ng kamay mo, kakain na tayo."
Hindi pa man din siya sumasagot, muli itong tumalikod sakanya para
magpatuloy sa ginagawa nito. Gamit ang dalawa nitong kamay, hinawakan nito
ang kutsilyo at muling hiniwa ang pipino, na para bang may papatayin itong
kalaban, at dahan-dahang isinalansan sa dalawang mangkok.
Nang makuntento na sa mga hinanda niyang pagkain, sabay niyang kinuha ang
dalawang mangkok at padabog na inilapag sa lamesa. Naramdaman niya na
nakatayo lang si Xu Jiamu sa sala kaya sinilip niya ito at nang makita niyang
nakatingin ito sakanya habang nakataas ang isang kilay, bigla siyang
napakunot ng noo at masungit na nagtanong, "Anong tinatayo mo jan? Hindi ka
ba kakain?"
"En," Pumunta si Xu Jiamu sa CR para maghugas ng kamay at pagkabalik niya,
umupo siya sa tapat ni Song Xiangsi. Sa tagal nilang nagsama noon, ngayon
niya lang ito nakitang nagluto, kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang
chopsticks para matikman, pero noong sandaling mapatingin siya sa kanyang
mangkok, bigla natigilan at niyang nabitawan ang hawak niya. "Song Xiangsi,
ano to?"
Tinignan ni Song Xiangsi si Xu Jiamu, na para bang natatangahan siya sa
tanong nito. "Fried sauce noodles. Bakit? Hindi ka pa nakakakain ng ganyan?"
"Fried sauce noodles? Ganito ang Fried sauce noodles sainyo?" Muling kinuha
ni Xu Jiamu ang kanyang chopsticks at diring-diring tinignan ang noodles na
may hindi pantay-pantay na hiwa ng pipino at sobrang itim na sauce, at biglang
tumawa, "Hehe, ayoko ng magsalita."
Sa inis ni Song Xiangsi, bigla nitong kinuha ang mangkok na nasa harapan niya
para itapon sa basurahan, pero bigla niya itong pinigilan at binawi ang kanyang
mangkok. Sa totoo lang, kung may pagpipilian lang, ayaw niy sanang kainin
talaga ito, pero bilang respeto na rin kay Song Xiangsi na nagabalang magluto,
mabigat sa loob niyang kinumbinsi ang sarili niya kaya pilit na pilit niyang hinalo
ng matagal ang noodles at pikit-mata niya itong kainin ng mabilisan, na
sinundan niya kaagad ng paglagok ng isang buong baso ng tubig na nasa tabi
niya.
"Song Xiansi, gaano karaming asin ang nilagay mo?"