Nang gabing iyon, kinumpirma na nina Mo Ziyan at Gu Qingli ang kanilang kinatatayuan at naging opisyal ng magkasintahan.
Pagkaraang makabalik sa kanyang dormitoryo, nahiga si Mo Ziyan sa kanyang kama at sinubukan na isipin ang mukha ni Gu Qingli. Ang kanyang mukha ay kaagad na namula at ang kanyang puso ay nag umpisa ng tumibok ng mabilis; kailanman ay hindi niya inaasahan na ang kanyang pangarap ay magkakatotoo.
Si Gu Qingli ay masyadong kahanga hanga. Kahanga hanga na tila ito ay kabababa pa lamang mula sa isang painting. Pero, sa totoo lang ang lalakeng ito ay humawak sa kanyang kamay...
Tila, si Mo Ziyan ay nakatalagang hindi makatulog ng gabing iyon...
Kinabukasan, si Mo Ziyan ay tumayo mula sa kanyang kama ng mayroong isang pares ng maitim na eye bags, nagawa nitong matakot ang kanyang roommate, "Ziyan, gising ka ba buong magdamang? Bakit ang iyong eye bags ay napakasama?"