"Bakit ka umalis sa university? Tiningnan ko ang iyong kurso, hindi mo na ba gusto ang iyong degree?"
Maaari bang sabihin ni Mo Ziyan na ito ay dahil hindi na siya maaaring magpatuloy pa sa kanyang one-sided crush?
Yamang nakita na ni Gu Qingli ang kanyang sulat at narinig ang kanyang kumpisal, mula sa kung saang punto siya nito tinatanong? Magpapatuloy ba itong umarte ng tila walang alam?
"Ikaw ay mayroong isang klase sa akin bukas. Siguraduhin mo na makakarating ka sa oras."
"Ok," sagot ni Mo Ziyan, kinalimutan kung gaano kahirap para sa kanya ang makarating sa desisyon na kanyang ginawa.
Ilang kataga lamang ang sinabi ni Gu Qingli, ngunit sapat na ito upang baguhin ang isip ni Mo Ziyan at pag alabin ang kanyang motibasyon.
"Matulog ka ng maaaga, magkita tayo bukas."