Isa lamang ba siyang responsibilidad?
"Zichen, pakiramdam ko hindi mahalaga kung ano ang aking gawin, trinatrato mo ako na tila hindi ako umiiral, at hindi mahalaga kung gaano ako kinakabahan, tila hindi ako makahanap ng lugar sa iyong puso."
Nakahiga sa kama si Qian Lan na mukhang nanghihina, ngunit ang sakit ng kanyang katawan ay balewala kumpara sa malamig na kataga mula kay Mo Zichen.
Hindi maintindihan ni Qian Lan si Mo Zichen. Binibigyan siya nito ng pag asa sa isang sandali pagkaraan ay pagkabigo. At kapag lubusan na siyang nawawalan ng pag asa, bigla na lamang itong lumilitaw at nagbibigay sa kanya ng kaligayahan.
Nagawa nitong makaramdam si Qian Lan ng pagkapagod.
"Matulog ka pa ng matagal. Nawawala pa lamang ang anesthetics, mas lalo ka pang makakaramdam ng sakit hindi na magtatagal."
"Umuwi ka na muna. Ang iyong presensya ay lalo lamang nakakasakit sa akin." Wika ni Qian Lan.