"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Kumikirot ang puso ni Mo Zichen...
"Ayokong gamitin ka ng aking pamilya hanggang matuyo ka," wika ni Qian Lan ng may katiyakan. Pagkatapos ay inunat niya ang kanyang kanang kamay, "Palalayain ko ang aking sarili mula sa aking pamilya. Hilingin mong magtagumpay ako."
Huminga ng malalim si Mo Zichen at sa wakas ay tinango ang kanyang ulo habang kinakamayan si Qian Lan, "Kung ikaw ay magkakaroon ng anumang paghihirap sa hinaharap, huwag kang mag atubiling hanapin ako."
"Ayokong istorbohin ka pa..." pagkaraang magsalita, umalis na si Qian Lan sa lalong madaling panahon; kung mananatli pa siya ng matagal, natatakot siyang makaramdam ng panghihinayang.
Alam niyang si Mo Zichen ay mabait na lalake. Ngunit, ang problema ay, hindi niya lubusang naiintindihan ang kanyang pamilya.