Hindi umuwi ng buong magdaamag si Qian Lan. Sa simula, plano niya ang pumasok ng klase bago bumalik ng bahay upang ipaliwanagang kanyang sarili. Ngunit, nang makarating siya ng school, natagpuan niyang naghihintay ang principal para sa kanya.
Ang principal ay nakaupo sa lamesa ni Qian Lan, at ng sandaling siya ay dumating, sinabi nito sa kanya, "QIan Lan, ayusin mo na ang iyong mga gamit at umuwi."
"Huh?" Nagkunot ng noo si Qian Lan, hindi sigurado kung ano ang nangyari.
"Ah, makinig ka, ako ay walang ideya na ikaw ang ikalawang anak na babae ng mayor. Paumanhin kung nasaktan kita noon!"
Pagkaraang marinig ito, sa wakas ay naintindihan ni Qian Lan kung ano ang nangyayari.
Tila, ang pamilya Qian ay nagpunta dito at nagsalita ng kung ano.
"Principal...sa totoo lang..."