Pagkaraan, lumuhod si Su Youran sa harapan ng emergency theater at umiyak sa kawalan ng pag asa. Upang magawang ang kanyang pag arte ay mas makatotohan, hindi na niya tiningnan kung si Nangong Quan ay tagumpay na nailipat o hindi. Pagkatapos ng lahat, hindi niya gustong makagawa ng anumang pagdududa.
Marahil, dahil sa katotohanan na si Nangong Quan ay ipinasok para sa isang importanteng operasyon, sa wakas si Elder Nangong ay nagpakita sa hospital. Ngunit, sa sandaling makita siya ni Su Youran, hinila niya ang kwelyo nito at galit na galit na inalog ito, "Masaya ka na ngayon? Ang buhay ng aking asawa ay nakabingit sa kamatayan, ito ba ang gusto mong mangyari?"
"Ito ba ang tinatawag mong paghihiganti? Kung hindi ka lamang lolo ni Quan, binugbog na kita ngayon hanggang mamatay!"
Hindi nagtagal, isang nurse ang nagmamadaling lumapit at hinila palayo si Su Youran.