Para sa ilang panahon pagkaraan ng insidente ni Nangong Quan, si Elder Nangong ay nakakagulat na nawala na lamang sa radar. Pagkaraan na makuha ang kontol ng Springfall, sa totoo lang siya ay naging...masyadong mapagkumbaba.
Ngunit, walang isa man ang nagpabaya sa kanilang pagbabantay, dahil walang isa man ang nakakaalam kung siya biglang sasabog at gumawa ng isang bagay na nakakaloko!
Si Nangong Quan ay mahigit ng isang buong linggo nakahiga sa hospital. Sa panahong ito, si Su Youran ay hindi na mabilang kung ilang beses siyang umiyak. Sa katotohanan, may mga pagkakataon na gusto na niyang sumuko.
Sinabi na ng doctor na ang gamot ay umatake na sa utak ni Nangong Quan, kaya ang kanyang pagkakataon na magising, ay kasing taas din ng kanyang pagkakataon na mamatay.
Si Su Youran ay nakaranas ng maraming sandali ng pagkagulat at pagkabigo ngayong linggong ito, ngunit siya ay nakakaranas din ng takot.