Sa kasamaang palad, ang pinsala ni Mo Zichen ay hindi kasing simple ng iniisip ni Tangning dahil, pagkaraan niyon, ang kanyang kaliwang mata ay nag umpisa ng mamula. Bilang pagtugon si Tangning ay walang pagpipilian kung hindi ang ibalik siya sa hospital para sa isa pang eksaminasyon.
"Isang banyagang bagay ang maaaring nakapasok sa mata ng inyong anak at naging dahilan ng pinsala sa kanyang retina. Kung ang sitwasyon ay lumala, maaaring mawala ang kanyang paningin. Kailangan niyang dumalo ng treatment sessions sandali."
"Ngunit napakaliit pa niya," natigilan si Tangning pagkaraang marinig ito sa doctor.
"Mrs. Mo, yamang nangyari na ito, kailangan mong magrelaks at hayaan ang iyong anak na gawin ang kanyang treatment," pang aaliw ng pambatang doctor.