Si Han Jie man ay sobrang nasasaktan. Kung pinigilan lamang niya si Li Qingai at hindi niya pinalakas ang loob sa kayabangan nito, ang kanyang kapatid ay hindi sana nakahiga sa loob ng napakalamig na morgue.
Siya man ay amy napakaraming responsibilidad para sa pagkamatay ni Han Xiuche. Pagkatapos ng lahat, hindi mahalaga kung gaano siya kagalit sa kanyang kapatid, pinalaki pa rin niya ito; siya ay parang ama para dito. Kaya, ngayon na ang kanyang kapatid ay habang buhay ng wala, siya, syempre, ay nakakaramdam ng panghihinayang. Ang lahat ay kasalanan ni Li Qingai!
Kaya, kahit pa kailanganin niyang maghanap sa dulo ng mundo, hahanapin niya ang babaeng iyon ang pipira pirasuhin ito!
...
[Bagong balita sa pagkamatay ni Han Xiuche…]
[Pagkaraan lamang ng isang araw, ang pamilya Han ay magsasagawang muli ng press conference…]
[Sa loob lamang ng 24 oras pagkamatay ng kanilang minamahal na anak na lalake, ano ang nangyayari sa pamilya Han?]