Iniyuko ni Tang Yichen ang kanyang ulo at hindi na nagsalita pa. Akala niya ay nangangarap lamang siya.
Talaga bang gusto siya ni Lu Guangli?
Hindi iyon maaaring maging tama…
"Yamang gusto moa ko, bakit hindi mo sinabi ng mas maaga pa?"
"Dahil ikaw ay masyadong walang sigla," tinapik ni Lu Guangli sa ulo si Tang Yichen habang namumula ng bahagya ang kanyang pisngi. Siya ay , pagkatapos ng lahat, ay isang proud medical genius na walang ideya kung paano manligaw ng isang babae. Kung hindi pa siya binigyan ng ilang payo ng kayang nakakatandang kapatid, marahil ay papanoorin lamang niya ang walang siglang babaeng ito na pumasok sa mundo ng blind dates.
"Ang aking IQ ay nasa isang karaniwang antas, kaya ako, yempre ay hindi maikukumpara sa isang genius na katulad mo," Inikot ni Tang Yichen ang kanyang mata habang nag uumpisang tumingin sa paligid ng bachelor pad ni Lu Guangli.