Ang tanging bagay na nagpapanatili kay Xia Hanmo ay ang kanyang pagkasuklam kay Zhou Qing.
Si President Liu ay talaga namang mabait sa kanya. Tila halos sinusubukan nitong palitan ang ginawa nitong hindi pagrespeto sa kanya. Ngunit, gusto na niyang kalimutan ang tungkol sa gabing iyon, kahit pa ang ilang mga bagay ay hindi madaling kalimutan kaagad.
Bukod sa pagtatrabaho, madalas na dumadaan si Xia Hanmo sa Superstar Media. Alam niya na kailanman ay hindi na niya matatanggap ang kapatawaran ni Lin Qian, ngunit ang makita lamang ito ay sapat na upang mabawasan ang kanyang problema.
Habang naroroon, napansin ni Xia Hanmo na madalas ng hinahatid ni Li Jin sa trabaho si Lin Qian. Ibig sabihin ba nito na si Lin Qian ay ikakasal na?
Si Xia Hanmo ay tama, ng araw na iyon, nang dumating si Lin Qian sa opisina, kaagad na sinabi ni Lin Qian kay Tangning at Long Jie ang magandang balita.