Habang ang baha ay patuloy na tumataas, ang mga lamabak sa panig na ito ay nag uumpisa ng mabuwal, nagawang ang lahat ay panghinaan ng tuhod sa takot.
"Hindi maaari ito, kailangan pa nating magpatuloy sa pag akyat pataas," mungkahi ni Zhou Qing. Dahil sa malakas na kapangyarihan ng mapaminsalang baha, walang sino man ang nakasisiguro na ang kanilang kasalukuyang lugar na kanilang kinatatayuan ay mananatiling matatag.
"Ngunit, Zhou Ge, ang daan ay natatapos na dito.
"Kung ganong itapon na ninyo ang mga hindi naman kinakailangan na bagay at umakyat na tayo," utos ni Xia Hanmo. Ang bahaging ito ng bundok at halatang mas ligtas dahil sa ang mga bato ay matatag at ang mga kakahuyan ay mas malago.
Pagkaraang marinig kung ano ang sinabi ni Xian Hanmo, ang lahat ay tiyak na itinapon ang kanilang mahahalagang gamit sa sahig. Dahil, sa mga oras na tulad nito, wala ng mas importante pa kundi ang kanilang sariling buhay.