"Ang Fei Tian Awards ay mag uumpisa na. Mula sa hitsura nito, isang tao ang sinasadyang siraan si Tangning."
"Wala akong pakialam sa kahit na ano pa man, ngunit sila ay sumosobra na sa kanilang paninira. Ito ay palagi nang problema ng pamilya ni Tangning. Ang kanilang anak ay may sakit, kaya ang mag asawa ay nag aalala, pero ang doctor ay sinaksak sila sa likuran sa pagkakataong ito. Nakakadurog ito ng puso."
"Palagi kong bibigyan ng atensyon ang balitang ito. Marahil may pagkakataon na mabaliktad ang lamesa."
Ngayong mga araw na ito, kapag may balitang lumalabas sa entertainment industry, ang publiko ay palaging nagbibigay ng atensyon dito ng ilang araw bago nila natutuklasan ang katotohanan. Dahil, ang tama at mali ay isang bagay na hindi na madaling makikita ng mata lamang ng tao.
Gayunpaman, ang mga sinabi ni Tang Yichen ay talagang nakapagpagalit kay Tan Suling.
Tama lamang naman na ang isang ina ay alagaan ang kanyang anak.