"Ang mga bata ay palagi naman ganyan, sila ay may mahinang immune system. Kaya, walang dapat na ipag alala." Pagkatapos na magbuntis, si Long Jie ay naging eksperto na sa aspetong ito. "Kahit ano pa man, ang iyong pamilya ay maraming tao na maaari kang tulungan upang alagaan ang mga bata. Ang inyong pag aalala ay hindi mo na dapat pakaisipin pa."
Nag aalalang tiningnan ni Tangning ang dalawang pilyo na natutulog. Hindi alintana kung gaano karaming tao mayroon sila sa bahay upang mag alaga sa kanila, walang sino man ang makakapalit sa lugar ng kanilang ina. Hindi alintana ang lahat, siya ay palaging mag aalala sa kanyang mga anak.
Pagkatapos na magsapelikula ng "The Forensic Concubine', binisita minsan ni Tangning si Director Chen Feng sa ospital. Nang makitang ang kanyang binti ay pagaling na, si Tangning ay nakaramdam ng ginhawa.