Para kay Mo Ting, ang pagsali sa 'The Forensic Concubine' ay kasing dali lamang ng pagbili ng isang bugkos ng gulay. Hindi ito kasing kumplikado tulad ng iniisip ng publiko at hindi nangangailangan ng maingat na pag iisip. Ito ay kailangan lamang niyang gawin.
Sa panahong ito, pangkaraniwan lamang na panatilihin ni Mo Ting ang kanyang low profile, ngunit maging si Tangning ay naging hindi pangkaraniwang low profile din.
Dahil ang drama ay produced ng kanilang sariling agency, bukod sa kinakailangang promotion, si Mo Ting ay hindi na naghanda pa ng anumang kaganapan. Pagkatapos ng lahat, ang viewership rating ay mataas na at nagawa na ni Tangning ang kanyang responsibilidad nilang isang aktres. Ngayon, si Mo Ting ay may isa na lamang daan para kay Tangning: ang gumawa ng pelikula kung mayroong pelikulang gagawin at upang panatilihin ang pagiging low profile kung wala namang pelikulang gagawin.