Pagkatapos na turuan ng leksyon ni Tangning si Bai Linlin, naging usap-usapan ito ng industriya. Pagkatapos ng lahat, iniisip ng hindi makatwiran na bata na makakaarte siya ng mayabang dahil lamang mayroon silang konting katanyagan. Kaya, karapat-dapat lamang silang turuan ng leksyon.
Ngunit, pagkatapos itong marinig ni Bai Yu, natural lamang na magalit ito na hanggang sa punto na namula ang kanyang mukha habang binagsak ang kanyang kamay sa mesa na nasa harap niya.
Kahit na madalas niyang sinesermonan si Bai Linlin, siya pa rin, pagkatapos ng lahat, ay kapatid niya. Sa pamamagitan ng ginawa niya, Ppaktikal na itinapon ni Tangning ang isang sampal sa kanyang mukha.
Dahil, sa huli, ang aksyon ni Tangning ay naglalaman ng dalawang kahulugan: dahil hindi alam ni Bai Yu kung paano turuan ang kanyang kapatid, kung gayon kailangan niyang kunin ang pwesto nito. May isang taong dapat magturo sa kanyang kapatid kung paano umakto ng wasto tulad ng normal na tao.