"Ikaw… ang tanging alam mo lamang ay apihin ang mga mahihina. Bakit hindi mo hayaang lumaban si Chen Xingyan nang mag - isa. Dahil sa hindi niya ako matalo, tumawag siya ng tulong!"
"Gaano ka kagaling kaysa sa kanya sa iyong palagay? Kung gusto mo akong insultuhin, dapat sabihin mo sa harap ko ito. Hindi ka ganon ka kagaling para magsalita sa likod ko," sagot ni Tangning.
"Maraming mga tao ang nag-uusap tungkol sa iyo. Bakit hindi mo tanungin ang bawat isa sa kanila?"
Pagkatapos marinig ito, nagdesisyon si Tangning na tapusin na ito. Pagkatapos ng lahat, pumunta pa siya dito at nasaktuhan na nandito din si Bai Linlin. Kaya, sinabi niy kay Lu Che, "Buksan mo ang pinto."
"Maraming tao ang sinusubukan na makinig sa labas," pagbabala ni Lu Che.
"Hayaan mo silang manood ng maayos," kaswal na sagot ni Tangning.