"Walang pero pero. Walang mahirap para kay Tangning alam ko. Kahit na hindi siya nag-aral ng pag-arte noon, isang salita lamang na mula sa akin ang kailangan upang magsimula siya mula sa wala. Ngayon, wala kang pinagkaiba. Naguguluhan ka lamang…" pag-aaliw ni Mo Ting. "Binasa ko ang script ni Elder Wu. Ang istilo ng pagsulat ng isang tao ay nananatiling pareho. Kaya, ang tangi na lang nating pag-asa ay nasa 540,000 na salita."
Pagkatapos pakinggan si Mo Ting, naging kalmado si Tangning at sa wakas tinango ang kanyang ulo, "OK, papakinggan kita. Hindi ka pa kailanman nagkakamali."
"Pagod ka na siguro, magpahinga ka na…"
Tumingin si Tangning kay Mo Ting, sinusuri upang makita kung may posibilidad na maiwasan ang kanyang mga pagsasaayos. Ngunit, matatag ang expresyon ni Mo Ting, kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi itango ang kanyang ulo, "OK, magpapahinga na ako. Ngunit, kailangan ko manatili sa tabi mo para maging kalmado."