Gayunpaman, hindi pa ito ang pang wakas na dagok kay Annie. Hindi nagtagal, isang recording mula kay President Wang ang biglang lumabas sa publiko...
Lumalabas, ang eskandalo sa pagitan ni Chen Xingyan at An Zihao ay sariling kagagawan ni Annie!
Ang resultang ito ay isang bagay na kahit si President Wang at An Zihao ay hindi inaasahan. Dahil, hindi ito sinabi kahit na kanino ni Tangning.
Si Annie ay parang isang daga sa pusali na tinapak tapakan, nang paulit ulit muli.
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ang pagitan ng matuklasan ni An Zihao na siya ay inabandona ng entertainment industry. Ang lahat ay tila isang panaginip.
Nawala ang lahat kay Annie, kasama na ang kanyang kalinisan ng kanyang katawan. Ngunit, sa huli, ito ang kanyang kapalaran.
Desperado siyang makita si Chen Xingyan o kaya ay si An Zihao. Ngunit, base sa kanilang pagkakaiba ng katayuan, siya ay wala nang karapatan na gawin ito.