Si Hua Wenfeng ay umikot at humarap upang harapin si Father Mo. Nang mga sandaling iyon, siya ay hindi makapag salita; ang kanyang isip ay puno lamang ng takot.
Hindi maaaring malaman ni Mo Ting ang katotohanan…
… itinago niya iyon ng mabuti at walang anumang masamang nangyari sa loob ng maraming taon. Kaya, hindi siya posibleng mailalantad ni Mo Ting.
Alam niyang kailangan niyang pigilan na takutin ang kanyang sarili.
Kahit na, hindi mahalaga kung gaano karami pang dahilan ang kanyang gamitin upang aliwin ang kanyang sarili, hindi niya magawang patigilin ang kanyang sariling katawan na manginig sa takot. Nararamdaman niya na ang kanyang pagkakalantad ay nalalpit na at siya ay natatakot. Bilang resulta, siya ay pinagmumultuhan ng mga bangungot ng buong gabi.
...