"Hindi naman siya kulang sa babaeng kaibigan. At kung gusto niya, maraming babae na papayag na maging nobya niya."
Ang ekspresyon ni Lu Che ay seryoso. Sa loob ng itim niyang mata, ang imahe lamang ni Xu Qinguan ang naroroon. Gusto niyang ipakita sa kanya na hindi siya nagbibiro.
Sumulyap si Xu Qingyan sa nakaratay na si Tang Jingxuan bago tumingin pabalik kay Lu Che habang iniling ang ulo nang maingat ngunit sa nalilitong paraan.
Naiintindihan niya kung bakit umaarte ng seryoso si Lu Che, ngunit hindi niya lubusang maintindihan ang kahulugan ng mga salita nito.
Ilang sandali pa, nagising na si Tang Jingxuan mula sa kanyang pagkakatulog. Nang buksan niya ang mata niya at makita si Xu Qingyan na nakaupo sa higaan niya, medyo natigilan siya. Tinakpan niya ang kanyang tiyan at umupo, "Paano mo nalaman?"
"Dumating si Song Yanshu para hanapin ako at sinabi niya sa akin na nasaktan ka ng dahil sa kanya."