Nang mga sandaling iyon, ang isip ni Yang Xi ay biglang nablangko. Siya ay natatakot sa tingin ni Mo Ting at natatakot sa kanyang paghihiganti.
Itong marangal na tila haring lalaki na ito, ay nababalot ng mapanganib na aura mula ulo hanggang paa.
"Pakiusap…pakiusap pakawalan mo na ako…"
Ilang simpleng kataga lamang ang kayang sabihin ni Yang Xi. Ngunit, ang kanyang boses ay sobrang marahan na kahit ang kanyang sarili ay hindi niya marinig.
Si Yang Xi ay talagang humihingi ng awa!
Kung maniniwala ang publiko na ang lahat ng panlilinlang na ginawa laban kay Tangning ay nasa kanyang hangganan pa din, kung ganon sa pagkakataong ito…sa wakas ay naintindihan na ni Mo Ting: marahil iniisip ng publiko na siya ay naging magiliw pagkatapos niyang ikasal. Tila, kung mas nagiging makapangyarihan siya, mas magiging ligtas si Tangning.