Sa sandaling makita ng mga shareholders na kasamang naglalakad ng mga kinatawan si Tang Xuan, nagsimula silang magsigawan at magpalakpakan. Sa pagpuri ng lahat, ang tiwala sa sarili ni Tang Xuan ay nadagdagan at ang kanyang mga sulyap ay naging mayabang.
Tila tinutulungan siya ng Diyos…
"Assistant Leng, ngayon na nakita na mismo ang katibayan, naniniwala ka na sa akin?"
Si Assistant Leng ay naglakad palapit at nakipagkamay sa mga kinatawan.
"Sila ay sumasang ayon na pumirma ng kontrata at ang kontrata ay naihanda na."
Gayunpaman, umakto si Assistant Leng na tila hindi niya naririnig na nagsasalita si Tang Xuan, habang pinapaupo niya si Jean at ang iba pa, "Ang aking layunin ngayong araw na ito ay upang ipahayag ang desisyon na ginawa ng Chairman. Tungkol sa insidente kay Madam sa Switzerland, kailangan natin mamili ng naangkop na tao upang umupo bilang Acting CEO."