Ang wedding reception ay nagpatuloy hanggang alas - 11 ng gabi. Nang mga oras na iyon tinulungan ni Tangning ang lasing na si Mo Ting na bumalik sa kanilang kwarto, ipinikit lang nito ang kanyang mga mata at hindi nagsalita. Syempre, ang mukha nito ay hindi man lang namula o kaya ay gumawa ng tipikal na ginagawa ng isang lasing. Ito ang eksaktong Mo Ting sa hula niya. Hindi mahalaga kung gaano ito kalasing, tila hindi ito gumagawa ng bagay na wala sa kanyang ugali.
Hiniga ni Tangning si Mo Ting sa kama at tumalikod upang punuin ang bathtub para kay Mo Ting, ngunit biglang nitong hinila si Tangning upang yakapin.
"Amoy alak ka. Maligo ka muna."
Marahang iminulat ni Mo Ting ang kanyang mga mata at tumitig sa mga mata ni Tangning, "Di ba sabi mo gusto mo akong makitang lasing?"
"Paano ka nalasing?" Palarong sinuntok ni Tangning ang dibdib ni Mo Ting. "Gusto ko talaga malaman kung gaano karami ang dapat mo inumin bago ka malasing. Natalo mo pa silang lahat."