Ang tagpo sa paliparan ay mukhang hindi maganda. Marami sa mga tagahanga at kasapi ng fans club ni Tangning ay 'couple fans'. Ngunit, nagpost si Quan Ye ng mga larawan bago pa man sila sumakay ng eroplano. Matapos maiwan ng labing isang oras ang balita, ito ay kumalat na. Ang paliparan ng Beijing ay hindi madaling lugar upang makaalis agad si Tangning. Lalo na at naglalakad sila sa iisang terminal at kasama pa pareho si Mo Ting at Quan Ye...
Gayupaman, mukhang handa na si Mo Ting, tinakpan niya si Tangning at direktang hinawi ang mga tao. Nang mapansin sila ng mga tao, naihatid na niya sa labasan ng terminal si Tangning. Ang mga tauhan ng Hai Rui ay nagmamadaling inihinto ang sasakyan sa harapan ng mag - asawa at mabilis na sumakay ang mga ito. Bago sila mapalibutan ng mga kamera, ang sasakyan ay umikot at linisan na ang paliparan.
Sa kabilang banda, si Quan Ye ay naipit sa labasan ng paliparan.