Hinaplos ni Mo Ting ang maitim na buhok ni Tangning, "Ito ay nakatakda na."
Sa totoo lang, ang bagay na lubos na hinahangaan ni Tangning kay Mo Ting ay ang abilidad nitong tanggapin ang lahat ukol sa pag ibig at pagkamuhi. Kapag tama ang isang tao, tama ito; kung mali naman ito, talagang mali ito. Matatag ito sa kanyang mga desisyon at hindi nagpapaligoy ligoy pa; si Mo Ting ay madaling maintindihan.
Kung kaya bagay si Mo Ting sa entertainment industry.
At bagay naman siya na samahan si Mo Ting sa walang katiyakang industriyang ito. At ang nais lamang ni Mo Ting ay ibigay sa kanya ang katanyagan nito.
Nang makabalik sa hotel, Sinmahan ni Tangning si Mo Ting habang nakaupo ito sa sofa at nagbabasa ng kanyang mga dokumento. Lumingon si Mo Ting upang tingnan ang halos pikit nang mga mata ni Tangning habang at tumawa, "May interview ka bukas sa Claude N. Dali at magpahinga ka na..."