Pagkatapos na umalis ng mag - amang Quan, lumingon si Mo Ting at tiningnan si Tangning. Gamit ang mapagmahal at walang magawang boses tinanong niya si Tangning, "Ang bilis mong sumang - ayon. Hindi ka ba natatakot na matalo?"
"Marunong akong maglaro ng Texas Hold'em Poker," sagot ni Tangning. "Habang andito ako, hindi mo kinakailangang gumawa ng aksyon."
"Pero ang paglalaro ay bentahe ng laki sa layaw na mayamang lalaking iyon. Sigurado ka bang kaya mong manalo?"
"Hindi mo ako hahayaang matalo," ibinababa ni Tangning ang kanyang ulo at huminga ng malalim. "Huwag mo nang tanungin kung bakit marunong akong maglaro ng poker, ang lahat ng iyon ay nasa nakaraan na. Ngayong gabi, gusto ko lang makipaglaban para sa iyo. Pwede mo ba akong hayaang gawin iyon?" tanong ni Tangning habang hinahawakan niya ang manggas ni Mo Ting.
Itinagilid ni Mo Ting ang kanyang ulo, tiningnan ang kanyang maselan na kanang kamay at tumawa, "Mayroon ba akong abilidad na tumanggi?"