"Mayroon palagi akong tiwala sa iyo at ang pagkakataon na ito ay walang pinag - iba."
Sa daan, papauwi ng kanilang bahay, bigla na lamang naisip ni Tangning ang anak ni Fang Yu at lumingon kay Mo Ting para magtanong, "Bakiit mayroong anak si Fang Yu? Kasal ba siya?"
Niyakap siya ni Mo Ting at kalmadong sinagot siya, "Ayon sa profile ni Fang Yu, hindi siya kasal. Tungkol naman sa anak niya, ikinalulungkot kong sabihin na tanging siya lamang ang nakakaalam ng katotohanan. Sinusubukan mo pa rin bang ipareha siya kay Huo Jingjing?"
Iniling ni Tangning ang kanyang ulo. Sa pagkakataon na iyon, nag - aalala lamang siya tungkol sa kanya.
Nang makita niya na tulala si Tangning, kinurot ni Mo Ting ang kanyang leeg, "Ayos lamang iyon, huwag kang masydong mag - alala..."