"Gayunpaman, Tinanggap ko pa rin ang hamon!"
Sa loob ng Hai Rui, hindi maaaring maglaro si Zhen Manni ng anumang mga trick. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na hindi siya maaaring gumawa ng kahit ano nang pribado.
Dahil binalik na ni Mo Ting si Charlene sa kanyang tabi, pwede niya itong ipadala upang gumawa ng maruruming gawain. Kung mahuhuli sila, itatangi niya ito hanggang sa wakas.
Bukod sa pagpapakita kay Huo Jingjing na mali ang pinili niyang panig, gumawa ng aksyon sa kanya si Zhen Manni dahil gusto niyang ipaalam kay Tangning na wala syang katayuan sa Hai Rui; anumang maruruming panukala ang ginamit ni Tangning para gawing manager si Mo Ting, imposible para kay Tangning na malampasan ang kalagayan niya.
"Alam na ni Prisedent ang insidenteng ito" pagpapaliwang ni Lu Che. "Madam, hindi ito palalampasin ni President!"